TALBOG!!!: PIA WURTZBACH, NAGPA-‘ISTARIRAY’ SA MISS MANILA!

0
62


Maayos na nairaos ang Miss Manila 2017, bilang bahagi ng kapistahan o Araw Ng Maynila (June 24). Siyempre dinaluhan ito ng matataas na opisyales ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor President Joseph Estrada at maybahay nitong si Dra. Loi Ejercito Estrada.

Wala naman naging problema ang ilang artista ng Viva ang nag-perform gaya nina Sarah Geronimo at James Reid.

May nakakuwentuhan lang kami na dumalo sa nasabing okasyon at nadismaya raw siya sa naging attitude ni Pia Wurtzbach. Ayaw raw nitong pumasok sa venue hanggang hindi nakakapasok si Mayor Erap.

Istariray siya, at gusto siya ang may dramatic entrance, eh bisita lang naman siya. Ayaw pa raw ipa-announce ang name niya sa pagpasok, dahil mas bet yata niya na sorpresa ang pagdating niya.

Kaloka, huh! Sabi nga raw ng isang organizer ay umuwi na lang siya kung gusto niya. Mas maganda pa nga raw sa kanya si Sarah Lahbati nu’ng gabing ‘yon.

Well, mapagkakatiwalaan ang kausap kong ito, at hindi mahilig gumawa ng tsika. Well, baka akala ni Pia ay Miss Universe pa rin siya ngayon, ha!

THEA, SANAY NA SA PANLALAIT NG FANS!

Thea Tolentino
Thea Tolentino

Sanay na raw si Thea Tolentino sa mga bashers na paminsan-minsan ay pinapatulan niya.

Ito raw ay dahil sa role na ginagampanan niya bilang kontrabida sa Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Minsan ay naiirita raw siya although parte na ng sistema niya bilang kontrabida sa mga sikat na artista na makabasa ng panlalait mula sa fans.

Hindi naman siya nalulungkot sa mga ganitong role na ibinigay ng GMA sa kanya. Kasi doon siya nagsa-shine at ang importante raw ay lagi siyang may trabaho.

Kaya smile lang siya. Humahaba ang hair niya na minsan ay nakikisawsaw ang boyfriend niyang si Mikoy Morales at inaaway ang ilan sa bashers niya.

Naloloka nga raw siya na kapag tapos na ang teleserye ay pinasasalamatan siya ng mga nagba-bash sa kanya dahil naging successful ang teleserye.

Sa nalalapit na teleseryeng Haplos ay si Thea rin ang magiging kontrabida ni Sanya Lopez.

Noon pa man ay kaibigan na raw niya si Sanya kaya walang magiging problema sa kanila.

Si Rocco Nacino ang lead actor sa Haplos na ididirek ni LA ­Madridejos ng Paete, Laguna. Bale sa Lunes na magpa-pilot ang Haplos after Ika 6 Na Utos.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments