TALBOG!!!: LA ORO, TATANGGIHAN ANG ALOK NI PDU30!

0
50


Elizabeth Oropesa

Lalong nagugulat si Elizabeth Oropesa sa mga ginagawa ni Kris Bernal sa Impostora. Sabi ni La Oropesa, nagagalingan siya kay Kris lalo na at dalawa ang katauhan na ginagampa­nan nito.

Hindi naman kaila sa atin na award winning actress si Elizabeth at gaya ng bilin sa kanya ng director na alalayan ang mga bagets na actors, ganun nga ang ginagawa niya.

Pero hindi na raw kailangan ang tulong niya dahil magagaling na raw ta­laga ang mga kasama niya, lalo na ang kontrabidang si Assunta de Rossi.

Siyanga pala si Elizabeth ay supporter ni President Duterte. Wish niya na pag-aralang mabuti ng mga na-appoint na artista sa government position ang trabaho nila, para hindi naman kahiya-hiya.

Kung ia-appoint daw siya ng government position dahil supporter din siya ay tatanggihan niya. Mas gusto raw niyang ma-appoint siya dahil sa kakayahan niya at hindi dahil sumuporta siya.

At sa dami raw ng kanyang ginagawa bilang artista at panggagamot ay wala na siyang panahon para tumanggap pa ng isang trabaho.

RAFAEL, TULOY SA KAMPANYA NA GAWING LEGAL ANG
MARIJUANA SA PINAS…

Hanggang ngayon ay advocacy pa rin ni Rafael Rosell na ma-legalize ang marijuana for medicine purposes. Hindi nagsasawa si Rafael na mag-conduct ng mga discussion tungkol sa kagandahan at pwedeng gamot sa maraming sakit ang ma­rijuana.

Ilang taon na itong sinasabi ni Rafael. In fact may organization sila to propagate sa magandang nagagawa ng marijuana. Ito ang Philippine Compassionate Cannibis Society na nagkaroon na ng maraming hearing sa Kongreso at may mga resource person pa sila plus video presentation para makumbinsi na i-legalize na ito.

Ang worry lang nila ay baka maabuso ang paggamit nito gaya sa nangyayari sa Amerika.

Wala namang proble­ma si Rafael sa prog­rama ni Pres. Duterte sa pagsugpo nito sa mga droga, pero sa tingin ni Rafael ay dapat pag-aralang mabuti. Gaya sa ibang bansa ay hindi naman daw nagtatagumpay ang war on drugs dahil isa raw itong disease o sakit na kailangang i-rehabilitate ang mga gumagamit. Bigyan daw ng pagkakataon na magbagong buhay, matapos itong magamot.

Hindi naman tumiti­gil si Rafael sa pagkalat ng awareness ng medicinal marijuana kahit naisantabi ito ng Kongreso. Basta tuloy ang kampanya nila tungkol sa isyu na ito.

BG, mas maging ganado sana!

Dumalaw kami sa set ng Bubble Gang noong Lunes pero wala ka­ming naabutan at na-miss namin ang mga kakalogang eksena nila na napapanood natin kada Biyernes ng gabi sa GMA.

For 21 years ay tuluy-tuloy pa rin sa pagbibigay saya ang Bubble Gang sa regular televiewers nila. At sana nga ay mas lalo pa silang maging ganado sa pag-iisip ng mga bagong pakulo nila.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments