TALBOG!!!: KIM LAST, TYPE TIKMAN NG BADING SA HALAGANG P50K!

0
40


Katulad ng maraming baguhang artistang lalaki, nakaranas na rin daw ang That’s My Bae member na si Kim Last na makatanggap ng indecent proposals mula sa gay admirers.

Gaya ng isang bading na babayaran daw siya ng 50 thousand pesos kapalit ng isang gabing kapiling siya. Hindi raw niya kilala ‘yung nag-alok na pinadaan sa pamamagitan ng Instagram. Siyempre hindi niya pinatulan.

Bukod doon ay marami pa raw natatanggap na indecent proposals si Kim.

“Madami po, sobrang dami!” sey ni Kim na maayos na ngayon ang pananagalog.

May isa pa nga raw na ang alok sa kanya ay 300 dollars. Basta ang sinasagot lang daw niya sa mga alok ay hindi siya ganung lalaki. Nao-offend daw si Kim kapag may nag-aalok sa kanya ng ganoon.

“Medyo nao-offend. Kasi po, parang, ‘Cheap ba ako?’ Parang ganun,” sagot ni Kim.

Sa kasalukuyan ay tatlo ang programang nilalabasan ni Kim Last sa GMA Network: Eat Bulaga, Trops, at Sunday PinaSaya.

Barbie-Jak, todo-deny sa relasyon!

Speaking of Sunday Pinasaya na nagse-celebrate ng month long second year anniversary ay nakausap din namin si Jak Roberto at todo-deny na mag-on na sila ni Barbie Forteza.

Basta close lang daw sila ngayon at nagkakakilalanan mabuti although alam namin na boto sa kanya ang ina ni Barbie na open na ayaw kay Ken Chan. Madalas daw nakakasama niya pati parents ni Barbie kapag lumalabas sila, kaya nababaitan sa kanya.

Wala naman masama kung sila na nga ba at pareho naman silang single o libre na makipagrelasyon. Kaya abangan na lang natin kung kailan sila aamin.

Ako kitang-kita ko ang closeness nila noong nagte-taping sila ng Meant To Be sa Singapore.

Ruru Madrid, hinding-hindi lalayasan ang GMA!

Bukod sa daily gym habit ni Ruru Madrid ay ilang araw din siyang sasailalim sa Archery Class in preparation sa role niya sa Alyas Robinhood 2 bilang half-brother ni Dingdong Dantes na hinahangaan niya.

Ito na ang simula niya ng pagiging action star na alam ko sa susunod niyang mga proyekto ay malalaking action project. Kaya alagang-alaga si Ruru ng GMA na nagpasikat sa kanya.

Hindi dapat mabahala ang GMA na lilisanin ni Ruru ang home network niya dahil lumilingon ito sa nagsugal para marating ang magandang estado niya sa showbiz ngayon pa lang.

Kaya sa bagong imahe na gusto ng network para sa kanya ay asahan na natin na itatambal siya sa iba’t ibang aktres ng Kapuso Network at sinisiguro ko na kakayanin ni Ruru ang bagong pagbabago sa kanyang career.

Kaya kayong mga basher suportahan na lang ninyo ang mga idolo ninyo imbes na makasira pa kayo. Wala naman kayoong magagawa at mas alam ng GMA kung ano ang makakabuti sa mga artista nila.

Manood na lang kayo. Hindi yung parang pag-aari ninyo ang buhay ng mga artista.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments