TALBOG!!!: BEAUTY NI THEA, PANG-KONTRABIDA TALAGA!

0
267


Pang-kontrabida talaga ang beauty ni Thea Tolentino. Heto nga at kontrabida ulit ang role niya sa Haplos.

Very effective naman na kontrabida si Thea, at mabait pa siya sa shooting. Hindi siya mareklamo na tulad ng iba.

Pero kakaiba raw ang pagiging kontrabida niya ngayon dahil ang karakter niya ay gumagamit ng black magic!

“Abangan nila kung paano ko paiikutin ang pamilya ni Sanya, at ng mga taong mahal niya na nakapaligid sa kanya,” sey ni Thea.

Naku ha, ibang level ka na girl!

MvR, inspiring!

Bukod sa entertainment value ng Mulawin vs. Ravena, sinisikap ng mga tao sa likod nitong ipangaral sa mga manonood ang pangangalaga sa kalikasan.

At isinapuso ito nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Dion Ignacio at Derrick Monasterio nang makiisa sila sa tree planting project sa Tacloban kamakailan.

Kung sa serye ay pinapakita ng mga karakter ang dapat na responsibilidad ng mga tao sa pangangalaga ng environment, ang mismong cast nito ay talagang inspiring sa totoong buhay dahil sila mismo ang nagtanim ng mga puno sa Tacloban National High School. Certified role models!

Jen-Nar-Analyn, ‘squad goals’ in the making!

Unang nakilala si Nar Cabico sa Beautiful Strangers bilang fellow pulubi ni Lovi Poe sa serye.
Kinaaliwan ang karakter niya rito dahil napakataklesa at sobrang funny!

Pero mas nabigyan ng break si Nar nang manalo siya bilang Grand Winner ng Superstar Duets dahil sa galing niyang mag-perform! Hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya at nagpi-P.A. pa!

Pero ang P.A. stint niya ay para lang naman sa My Love From The Star. Siya ang gumaganap na responsible pero laging aligagang alalay ni Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) na si Jun.

Dahil nga lagi silang magkaeksena ni Jen, naging tunay na magkabarkada na sila at panay ang pag-hang out kung saan-saan at ang pinakahuli, nag-badminton sila kasama si Analyn Barro! Another squad goals in the making, ha?

Vaness, maldita kay Kris!

Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin kay Vaness del Moral ang role niya bilang Gurna sa Encantadia, dahil sa kanyang social media accounts, ito pa rin ang tawag sa kanya ng fans.

Grabe naman kasi ang binigay na identity ni Vaness sa karakter niyang ito kaya naman inaasahang ganito rin tatatak ang bago niyang role sa Impostora bilang Crisel.

Siya lang naman ang mang-aapi sa karakter ni Kris Bernal na si Nimfa, na magiging dahilan para gustuhin ng bidang mabago ang kanyang buhay at anyo.

Anong pagmamaldita kaya ang gagawin ni Vaness sa bagong Kapuso show? Ang balita ko, sobra-sobra ang kamalditahan niya kay Kris.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments