TALBOG!!!: BARBIE, IVAN, ADDY, JAK, KEN, SIKAT NA SIKAT SA S’PORE!

0
214


Isang pangarap ng cast ng Meant To Be ang makapag-taping sa ibang bansa. At ngayon ay natupad ‘yon, at kasalukuyan nga silang nagti-taping dito sa Singapore.

Linggo pa lang ng madaling-araw ay bumiyahe na patungong Singapore sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner, Sef Cadayona, Keempe de Leon at Manilyn Reynes, kasama ang production team ng Meant To Be sa pa­ngunguna ng Senior Program Manager na si Hazel Abonita at ang energetic director na si LA Madridejos.

Matapos ang mga formalities sa Ramada Hotel ay agad nagkaroon ng Meet & Greet ang mga Actors sa mga Pinoy followers nila rito at pagkatapos ay production briefings ang naganap in preparation sa mga darating na taping days. Mula Lunes pa lang ay punong-puno na ng schedule.

Kaya noong Linggo ay binigyan ng free days ang mga artista na makapag-ikot sa magagandang lugar dito sa Singapore. Magkasamang namasyal sa mga tourist spots area sina Ken Chan at Jak Roberto kasama ang mga Pinoy na nag-host ng dinner nila habang si Manilyn Reynes naman kasama ang pamilya ay namasyal sa Garden By The Bay. Kaya pagbalik sa hotel ay pagod na pagod ang bunso nila sa kalalakad.

Hindi namin alam kung saan nakarating ang dalawang foreigner na sina Ivan at Addy habang si Keempee ay nagpahinga na lang dahil sigurado ako na sawa na iyon dito sa Singapore.

Si Barbie Forteza naman ay pasado alas-onse na ng gabi nakarating dito sa hotel dahil gabi na siya umalis ng Pilipinas after pa niyang mag-Sunday Pinasaya. Kaya siguradong magi-enjoy ang mga bagets lalo na sa Universal Studio na isa sa location ng taping.

Siyanga pala, kahit saan ako magpunta dito sa Singapore ay naririnig ko na pinag-uusapan ang mga artista ng Meant To Be. Sikat na sikat nga sila rito, dahil nga marami rin kasing mga Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho rito.

Janine at Mikael serye, extended!

Nalulungkot o nase-senti na ba si Janine Gutierrez dahil darating na ang pagwawakas ng Legally Blind?

“Actually medyo hindi pa nagsi-sink in pero sobrang saya talaga dito sa set namin. Alam mo ‘yung minsan, pag sobrang saya nase-senti ka rin kasi parang wala lang, nakakatuwa lang talaga.  Kasi hindi ko in-expect na ganito yung mangyayari sa show na ‘to,” sabi ni Janine.

Ikinatutuwa rin ni Janine na extended ang Legally Blind ng isang buwan!

“Sobrang happy! Super-super happy talaga kasi siyempre wish din namin ‘yun para sa Legally Blind at sobrang nagpapasalamat kami na talagang sinasamahan pa rin kami ng mga tao sa mga nangyayari dito.”

Naging close na nga sila ni Mikael Daez pero wala raw silang time mag-bonding.

“Hindi na nga kami nakakalabas. Super-taping-taping. Yung lunch break at dinner break lang ang mga labas naming,” sey ni Janine.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments