TALBOG!!!: ALDEN, BINALAK IREGALO SA MISIS NG PULITIKO!

0
58


maine-alden-concertAlas-kuwatro pa lang ng hapon nu’ng Sabado ay dinumog na ng mga fans ang ticket booth ng KIA Theatre na nagbabakasakali na may makuha pa silang ticket sa Upsurge concert ni Alden Richards, na tatlong araw pa lang mula nu’ng i-announce ang nasabing concert ay sold out agad ang ticket.

May bumibili o gustong iprodyus ang pangalawang araw ng concert, pero hindi nila ito pinatulan dahil masyadong close at late na sa preparation, plus punUng-puno ang schedule ng Pambansang Bae.

May magbi-birthday ngang maybahay ng isang mataas na opisyal ng bansa na gustong si Alden ang isorpresa sa araw na iyon ay hindi mapagbigyan dahil may natanguan nang mahalagang trabaho sa araw na ‘yun.

Hanggang ngayon ay mainit na mainit pa rin si Alden sa mga milyun-milyong fans niya hindi lang dito sa ating bansa kundi sa iba’t ibang panig ng mundo na may Pinoy.

Proud na proud kami for Alden for a very successful concert na talaga naman halos siya lagi ang nasa entablado na full of energy sa kanta at pagsasayaw.

Dumagundong ang KIA Theatre nu’ng umakyat sa entablado si Maine Mendoza at may dance number sila. Nakakakilig ang dalawa habang nagsasayaw.

Hindi pa rin pala nawawala ang AlDub Nation at ang iba’t ibang Alden fans club all over the world. Congratulations Alden!

MIGO ADECER, NAGPASIKLAB SA CONCERT NI ALDEN!

Ngayon lang namin napanood ng live ang pagkanta ni Migo ­Adecer at napakahusay pala nito with his guitar sa pagpu-front act niya sa concert ni Alden Richards. Parang lalo siyang gumuwapo at tumangkad.

Kasama siya sa cast ng My Love From The Star na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Bukod sa pagiging artista ay singer at composer/songwriter si Migo.

Kaya may mga sinusulat siyang mga kanta para sa isang album na gagawin niya for GMA Records. Naalala tuloy namin si Ogie Alcasid.

Hinahangaan daw niya si Ogie at if ever magsalubong sila ng landas ay hihingi siya ng payo rito.

Pero siyempre nga naman Ogie Alcasid na ‘yan at magkaiba na sila ng genre. Kaya hoping si Migo na mag-succeed bilang artista at singer.

The post TALBOG!!!: ALDEN, BINALAK IREGALO SA MISIS NG PULITIKO! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments