TALBOG!!!: ALDEN AT RURU, NAGPASAYA NG MGA BATANG MAYSAKIT…

0
45





alden-ruru-kids
ALDEN, RURU w/ Aira & Rae Anne

Kahit sobrang aba­la sa work sina Alden Richards at Ruru Madrid, at sa tulong na rin ng Make A Wish Philippines at GMA Artist Center ay nagawan nila ng paraan na mabigyan ng kaun­ting panahon na mabisita ang mga batang may mabigat na karamdaman.

Hindi ­nagdalawang salita ang mga organi­sasyong nabanggit sa dalawang actor na ­sobrang busy sa kanilang trabaho at pumayag agad na maayos ang kanilang schedules mapagbigyan lang ang kahilingan ng mga bata.

Sabi nga nina ­Alden at Ruru, ang magbigay-saya sa kapwa ang la­ging adhikain ng mga actors na kagaya nila.

Kaya nakipag-bonding sila ng bonggang-bongga kina Aira na 6 years old na may Leukemia at Rae Anne na may congenital Heart Disease.

Makikita naman kung gaano kasaya ang mga ito nang masorpresa sila ng kanilang mga iniidolong artista.

Maganda naman ang pakiramdam ng dalawang aktor na kahit papaano ay napasaya nila ang dalawang may karamdaman.

Timing din kay Ruru na tapos na ang Encantadia habang si Alden ay next week magwawakas ang Destined To Be Yours. Mabuhay kayong dalawa na maging isang mabuting halimbawa sa kapwa ninyo artista.

CHRIS TIU , MAPAGKAWANGGAWA!

Isa pa sa mga hinahangaan namin na madalas na kawang­gawa rin ang lagi niyang ginagawa bukod sa madami siyang pinagkakaabalahan ay si Chris Tiu, ang host ng ­Sunday morning educational ­science show na I Bilib.

Hindi ka rin magdadalawang-salita kapag nahi­lingan siya ng mga ganyang sitwasyon. 100 percent ang support niya sa kawanggawa. Kaya naman magaganda rin ang mga grasyang dumadating sa kanya.







All Credit Goes There : Source link

Comments

comments