TAGAMASID: Sila’y masusubok –

0
59


Matagal pa ulit bago mag-umpisa ang bagong NBA season pero tiyak na babantayan ng madlang tao kung ano ang mang­yayari sa Golden State at sa mga manlalaro nito na matatapos na ang kontrata, kagaya ni Steph Curry.

Ang tinatanggap ngayon ni Curry ay halos $12 milyon at marami ang nagsasabi na kung mayroong manlalaro ang Warriors na dapat tumang­gap ng maximum, ito’y walang iba kundi si Steph. Puwede siyang bigyan ng five-year contract ng koponan na nagkakahalaga ng $200 milyon. Pero kapag nangyari ito, magkakakaroon ng problema ang koponan sa salary cap.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang salary cap ay ang halagang puwedeng gastusin ng isang koponan sa isang season. Mayroon din nito sa PBA.

Kung mabibigyan ng maximum contract si Curry, tiyak na maaapektuhan ang suweldong puwedeng ibigay sa ibang manlalaro ng koponan. Halimbawa ay si Kevin Durant na matatapos na rin ang kontrata sa Warriors.

Sa kaso ni Durant, sinabi na niya na handa si­yang tumanggap ng mas mababang suweldo para lang manatiling buo ang nucleus ng Warriors. Ibig sabihin, gusto niyang sila nina Curry, Klay Thompson, at Draymond Green ay manatiling lahat sa Warriors para maging mas maganda ang kanilang tsansang muling makarating sa finals at maidepensa ang koronang kanilang nabawi sa Cleveland Cavaliers noong nakaraang NBA Finals.

Ayon sa pamunuan ng Warriors, gagawin nila ang lahat para manatili sa koponan si Curry. Ibig sabihin, nakahanda silang ibigay kung ano ang hihingin nito. Pero ang problema nga ay ang salary cap. Kung sakaling gusto ni Curry ng maximum na kontrata, tiyak na magkakaroon ng problema.

At diyan masusubok kung gaano katatag ang nabuong relasyon sa pagitan nina Curry, Thompson, Green, at Durant na naging dahilan para tanghalin silang kampeon. Kung mayroong isang maiinggit sa tinatanggap ng isa, malamang na-letse na.

‘Yan ngayon ang ating inaabangan at tiyak na siya ring inaabangan ng mga Warriors fans.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments