Sylvia Sanchez, inaming hindi si Arjo ang panganay niyang anak

0
44



MANILA — Sa bihirang pagkakataon, nagsalita ang aktres na si Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang panganay na anak.

Sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, ibinahagi ni Sylvia na Pia ang pangalan ng kanyang panganay na anak na sinundan naman ng aktor na si Arjo Atayde.

“Baka kasi marami ang nagtatanong, ‘yun ‘yung panganay ko before Arjo. Pero si Pia kasi iba ang tatay noon,” ani Sylvia.

“Marami sa Instagram ang nagtatanong bakit hindi namin nakikita ‘yung Pia. Ayaw kong sagutin kasi ang habang explanation,” dagdag ng aktres.

Giit ni Sylvia, hindi niya kailang magpaliwanag sa kung ano ang nangyari sa kanyang buhay, lalo na sa kanyang pagiging ina.

“Akin ‘yon, kung ano ang nangyari sa buhay namin. Kasi once mag-explain ka sa umpisa, tapos iba-bash ka, tapos hahaba. Huwag niyong kuwestiyunin ang pagka-nanay ko kasi alam ko, ako ‘yon. What’s important is me and my God, hindi ako at ang ibang tao,” paliwanag ni Sylvia.

Ayon kay Sylvia, 17 anyos lamang siya noong manganak sa kanyang panganay na anak.

Mother’s love

Samantala, maliban sa kanyang buhay bilang ina, naging emosyonal din si Sylvia sa pagbibigay niya ng kanyang mensahe sa kanyang ina na si Rose Campo.

Ani Sylvia, hindi matatawaran ang sakripisyong ginawa ng kanilang ina mataguyod at mabuhay lamang silang magkakapatid.

“Sorry kasi alam ko minsan nasasaktan kita, nasasaktan din ako. Pero hindi importante ang sakit na nararamdaman ko, ang importante ay ayaw kitang masaktan. Ayaw kitang makitang umiiyak. Nanay kita,” ani Sylvia, na abala ngayon sa pag-promote ng kanyang pelikulang “Nay” kasama si Enchong Dee.

“Ma, gusto ko lang sabihin sa iyo na lahat ng namana ko sa iyo ay napapakinabangan ngayon ng mga anak ko. Gusto kong magpasalamat sa iyo kasi ‘di mo man ako pinamanahan ng materyal na bagay, pero higit pa sa materyal na bagay ang pinamana mo sa akin. Ang kabutihan mo, pagiging good heart mo, ‘yan ang ipinamana mo sa akin na pinapakinabangan ngayon ng anak ko. Maraming salamat Mama, sobra kitang mahal,” ani Sylvia.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments