SUSPEK NGA BA O BAKA NAMAN FALL GUY?

0
37


AYOKO mang maniwala pero nakapagtataka kung bakit tila sobrang napakalaki ang reward na inilalaan ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa sinomang makapagtuturo o makahuhuli sa pumatay kay Brgy. Poblacion Chair Godfredo “Goody” Tolentino noong October 9, 2017 sa bilyaran na pag-aari nito.

Asus maryosep, napakalaki nga naman na reward ito na animo’y “big-time” ang sinasabing killer ganong hindi naman mga Maute Group o ISIS ang sinasabing gunman ni kapitan. Bakit kaya?

Aba’y kahit sinomang magagaling na “Bounty Hunter” ay hahantingin talaga kung sinoman ang gunman na ‘yan dahil ang laki yata ng nakapatong na reward sa ulo nito.

Kahit nasa “impiyerno” pa ang gunman ay pupuntahan ito ng mga killer hunter.

E, biruin n’yo, tumataginting na P1-milyon ang reward na nakalaan sa ulo ng killer. Eh, ang hirap yatang kumita ng pera lalo pa’t napakahirap ng buhay ngayon. Talagang papatusin mo ang reward. hehehehe..

Kaya hayun, hindi nagtagal ay nahuli ng mga alagad ng pera, este, alagad ng batas ang sinasabing suspek na si Christopher Calumba na isang barangay tanod sa lungsod.

Ang isang tanong, eh, may kapasidad ba ang mamang ito para pumatay? Eh, bukod sa tanod ay lagi lang nakatambay ito sa kanilang barangay hall. Ngayon, hindi kaya gawa-gawa lang mga pulis ito? Nagtatanong lang.

Ang pinangangambahan ng mga kaanak ng suspek (kuno), nag-aalala sila sa seguridad ng nakakulong nilang kaanak sa Mandaluyong City Police Headquarters.

Baka tortyurin at paaminin at sa tindi ng pahirap baka pati si Dr. Jose Rizal ay aminin nitong siya ang pumatay.

Hehehe..

Ang nakapagtataka ay kung bakit gayun kalaki ang reward na inilaan ng City of Mandaluyong sa makapagtuturo at makahuhuli sa suspek sa pagpatay kay Kap. Goody.

Bakit nga ba, Mandaluyong Mayor Menchie Abalos? Nagtatanong lang ako, mayor, hindi ko sinasabing may kinalaman kayo rito.

SA TARLAC CITY, SANGKATERBA

Habang abala ang kapulisan sa paghahanda para sa seguridad ng mga nagpupunta sa sementeryo sa bilang pagunita sa Todos Los Santos ay abala naman sa pag-o-operate sa nakalatag na sangkatutak na mga makina (VK) ni alyas Unyo sa Tarlac City.

Tila nagbubulag-bulagan si Tarlac PD Supt. Richie Medardo Posadas kaya hindi nakikita ang sangketrbang mga nakalatag na mga makina(VK) ni Unyo sa Tarlac City.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments