Sunshine first Pinay UCI road commissaire

0
72







Tagumpay na nalusutan ni Sunshine Vallejos Mendoza ang Internatio­nal Cycling Union (UCI) National Commissaires Course for Road para maging first female commissaire ng Pilipinas.

Kasabay ni Mendoza si Franklin Gonzales ng Kapatagan, Lanao del Norte na pumasa sa kursong inorganisa ng Singapore Cycling Federation nitong May 18-21 sa Singapore Sports Hub.

Si Mendoza ang pro­ject director ng Le Tour de Filipinas, tanging multi-stage road race sa bansa na nasa UCI Asia Tour calendar.

Naging assistant commissaire si Gonzales sa unang pagkakataon sa eight editions ng LTdF nitong Pebrero.

“It’s a major responsibility to become a UCI National Commissaire and we are bound by regulations,” lahad ni Mendoza kahapon. “I will do my best to carry out that responsibility for the development of road racing in the Philippines.”

Si UCI International Commissaire for Road Navaratnaraja Karuna­ratna ng Sri Lanka ang namahala sa course na dinaluhan ng 12 participants mula Singapore, Malaysia, New Zealand at Pilipinas.

Nakapaloob sa course ang written, oral at practical examinations sa Singapore National Road Championships.

Sasamahan na ng dalawa sa pool ng road commissaires sa bansa na binubuo nina IC Jose Adolfo ‘Ding’ Cruz, Elite National Commissaire Jun Lomibao at National Commissaire Carlos Gredonia.

Ang commissaire ang nagsisilbing referee ng cycling.







All Credit Goes There : Source link

Comments

comments