SUNSHINE DIZON, EXCITED NANG GANTIHAN SI RYZA!

0
159


Kumukulo na ang dugo ng publiko! May iba na nagsasabing ayaw na nila, tigilan na ‘yan. Kalokohan na ang mga eksenang `yan.

Pero, habang sinasabi nila `yon, nakatutok pa rin sila sa telebisyon. Gustung-gusto nila na ginagalit ang sarili nila.

Ganun na ganun nga ang eksena ngayon, sa pinag-uusapang teleserye sa tanghali, ang Ika-6 Na Utos ng GMA 7. Na umiikot nga ang kuwento sa walang katapusang ‘away’ nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon).

“We’re all very happy, very blessed. Hindi namin ini-expect na ganito. We owe it to the public. Sa­lamat sa pagtanggap nila.

“Pero `yun na nga, ang dami ring bashers!” sey ni Sunshine Dizon.

Maraming bashers, kahit sa karakter niyang si Emma, na patuloy na inaapi, at parang tanga-tangahan lang, na hindi pa makalaban…

“Well, the story is meant to give you a roller coaster of emotions. `Yun ang intensiyon talaga. Kasi kung ganun ang gagawin namin, na sige, lumaban agad ang character ko  na si Emma, hanggang dun na lang ‘yung show.

“May mga nagsasabi nga na ‘Oy tigilan niyo na ‘yan, pinapahaba niyo na lang ang story. Actually, hindi namin pinahaba, mahaba talaga ang Ika-6 Na Utos. Nu’ng in-offer sa amin ito, sinabi na agad na mahaba talaga ang tatakbuhin nito.

“Na kung magkataon na mag-extend nga, marami talagang factors ang kuwento nito. Hindi lang kasi nagpo-focus sa isang story, o kay Emma lang. Hindi pinahaba kundi mahaba talaga.”

Siyanga pala, ang matulog ang ginagawa ni Sunshine, pagkatapos daw ng matitinding eksena. Aminado ang aktres na halos sa araw-araw na taping nila, wala siyang ginawa kundi ang umiyak, malungkot, at magalit na rin.

Ryza Cenon

Halu-halong emosyon, na nakakapagod daw talaga.

“Kaya natutulog lang ako after. Parang nagha-hibernate ako. Hapon na ako magising dahil sa pagod. Yes, napapagod ako, tao lang po. Hindi naman kaila na kung ilang scenes ang ginagawa namin, especially ako, na today nga lampas 30 ang eksena ko.

“Tapos ang he-heavy ng mga eksena. Pero, dito sa set, a lot of people makes it easy for me. I have my own team who works hand in hand with me. Sina Direk, chill lang kami rito. Kahit mabigat ang eksena, chill lang kami.

“So, masaya rin. Parang magkakapatid na kami sa teleserye…” kuwento ni Sunshine.

RYZA, GUSTONG SAPAKIN NG FANS!

Paano ba nagri-react ang mga fans nga­yon sa kanya?

“Yung iba sinasabi talaga nila, ‘Emma, lumaban ka na’. May mga nagtatanong kung kelan ba kami magkakabalikan ni Rome (Gabby Concepcion)?

“Pero, may iba rin na nagsasabi, ‘Wag mong ipakita sa amin si Georgia (Ryza Cenon), dahil sasapakin namin siya. Ang wild sometimes. Ha! Ha! Ha!

Angelika dela Cruz
Angelika dela Cruz

“Pero `yun nga, the show is meant to be na mainis kayo, feel something for Emma, and kay Georgia. Kasi, kung wala na kayong maramdaman, ibig sabihin hindi na namin ginagawa ng tama ang trabaho namin.”

Pero, nangungulit na nga ang mga adik sa Ika-6 Na Utos, na kelan ka gaganti?

“Malapit na! Malapit na malapit na! Actually, I read the new script, at ang ganda! Gaganti na ako. Excited na akong gantihan si Georgia (Ryza)!” sabi ni Sunshine.

Pero, `yun na nga, makaganti man siya kay Ryza, may panibagong monster naman sa kuwento nila, na sabi, mas mabagsik, at mas magpapahirap sa buhay niya. Si Angelika dela Cruz.

Anyway, si Sunshine nga ang unang-unang nagtaas ng approve sign na mapa­sama si Angelika sa kanila.

“When I sat down with the team, at nag-isip na mag-add ng panibagong flavor to the story again. Kasi, hindi pa nata-touch ang side ng roots ni Georgia (Ryza). Hindi pa siya parang na-elaborate nang husto.

“Some names came out, and then, nag-suggest ako. And ‘yun nga, naisip ko na rin, o namin, na si Angelika nga. When Angelika’s name came out, parang okey na lahat.

“At hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, lahat naman ng ginawa namin ni Angelika did well talaga. Oo nga, ang tagal na rin naming hindi nagkasama.

“Ngayon siya naman ang manggugulo sa buhay ni Emma. Na-excite ang mga writers of putting Angelika sa story. So, dapat ding abangan `yon!” kuwento ni Sunshine.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments