Sundalong Pinay, Kenyans wagi sa 2017 Manila Bay Clean-Up run

0
42


Allene Tolentino

Nakamit ng sundalong si Allene Tolentino ang kampeonato sa 21-km race laban kina Lani Cardona at Jo-ann Banayag-­Villanor, habang ang mga Kenyan runners na sina Eric Kibiwott Chepsiror, Alex Melly, at Jackson Chirchir, ang nanguna sa male division noong nakaraang Manila Bay Clean-Up Run na gina­nap noong Linggo.

Sa 10km race, nanalo sina Junel Gobotia, Reynaldo Villafranca, at Ro­wel Galveto kasama ang mga babaeng sina Luisa Raterta, April Rose Diaz, at Lorely Magalona.

Sa mga tumakbo ng 5km, sina Kurt Jomar Lamparas, James Orduna,­ Gilbert Rotaque Maria­ Lyca Sarmiento, Joice Gagnao, at Rica Moreno at nakakuha ng medalya.

At sa karera ng 3 km, nagwagi sina Aris Arfile, Nicko Cortez, Michael Icao, Luvelyn Pamatian, Marisol Amerga, at Mary Ann Perez.

Bilang pagsuporta sa clean-up program ng Sunset Partnership, tumakbo sa 3 km ang mga Reyna ng Aliwan Fiesta na sina Steffi Rose Aberasturi, Stephanie Joy Abellanida, Cynthia Thomalla, at Marla Alforque, gayundin ang mga Miss Philippines Earth beauties. Sumali rin ang mga kadete ng Philippine Military Academy, at gumimik muli ang mga kawani ng Sofitel Philippine Plaza na tumakbo ng 3 km race suot ang kanilang service uniforms at may dalang mga tray, na tulad ng ginagawa sa mga marathon sa Europa.

Dinomina ng Kenyan runners na sina Eric Kibiwott Chepsiror, Alex Melly at Jackson Chirchir ang male division ng Manila Bay Clean-Up Run noong nakaraang Linggo. Sa larawan ay makikitang tinanggap ng mga dayuhan ang kanilang gantimpala mula sa mga organizers at isponsor.

Ang 2017 Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng mga lungsod ng Maynila at Pasay, kasama ang suporta ng Steeltech, Silka, Hi Sense, Globe M. Lhuiller, Kenny Rogers at Manila Bulletin.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments