Squash naubusan sa gold –

0
49


Si Robert Andrew Garcia ng Pilipinas sa kasagsagan ng aksiyon ng squash men’s team event final kontra Singapore sa National Squash Centre ng KL Sports City Bukit, Jalil. Nagkasya lang sa silver ang Team PHL. (PSC-POC Media Group)

KUALA LUMPUR — Piniga ng Philippines ang patok na Singapore bago bumigay 2-1 sa men’s team final ng 29th Southeast Asian Games squash tournament Martes ng gabi sa National Squash Center sa Bukit Jalil sa Malaysian capital.

Makalipas gulatin ang top seed at hometown favorite Malaysia sa semifinals Lunes ng gabi, naubusan ng gas sa tangke ang Filipinos sa rambol sa gutom sa titulong Singapore. Nagpiyesta ang Singaporeans sa errors nina Reymark Begornia at David Pelino sa best-of-3 finale.

Sumalang sa opening set, tumaob si PHL top player Begornia kay Pang Kha Hoe na may matinik na mga drop shots at naitulos ang straight sets win sa 30 minutes, 11-1, 11-3, 11-6.

“Reymark was tentative and was playing only at 40 percent. That is not his game. I guess he was pressured,” komento ni Filipino-Malaysian coach Bong Valentino.

Pero umalma pa ang Pinoys sa likod ni veteran Robert Garcia na humambalos ng 11-8, 9-11, 11-9, 11-9 win kay Ben Chan sa halos isang oras na labanan, at humila sa winner-take-all rubber match.

Hindi nakaporma si Pelino kay former Singaporean No. 1 Samuel Kang na may kakaibang mga shots. Nakunan ang Filipino ng 11-4, 11-4, 11-5 victory at isinubi ng city state ang gold.

Kahit nabigo, kuntento si Philippine Squash Academy president at deputy chief of mission Robert Bachmann sa performances ng kanyang wards.  

“Now we showed that we can play with the best squash players in the region, including powerhouses Malaysia and Singapore. We hope that our players continue to train hard so we can finally win our first gold in squash in the 2019 Philippine SEA Games,” aniya. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments