SPOKESMAN O COMMENTATOR? – Remate

0
24


TULAD ng inaasahan, magiging kontrobersyal itong bagong Presidential Spokesman Harry Roque na pumalit kay dating Assistant Secretary Ernesto Abella.

‘Di pa nga lumalabas ang papel ni Roque sa kanyang opisyal na pagtatalaga bilang kalihim at tagapagsalita ni Pangulong Duterte, nagbitiw na ito ng maaanghang na pananalita na hindi ikinatuwa ng madlang pipol.

Ang diumano’y pahayag ni dating Partylist Representative Roque na ang mainstream media ang “nakatulong” kay Manong Digong na Manalo sa nakaraang 2016 presidential elections.

Inulan ng batikos ang bagong spokesman-designate partikular na mula sa diehard Duterte supporters na naniniwala na ang Sambayanan ang tunay na nagbigay ng mandato at nagluklok sa Pangulo.

Sa katunayan, ang mainstream media o malalaking diyaryo ay nagkait ng parehas na publisidad para kay Manong Digong na dinumog ng milyon-milyong Filipino sa kanyang pagsadya sa buong kapuluan.

Katunayan pa, naniniwala ang mga DDS na sandamukal na “fake news” laban kay Manong Digong ang pinakawalan ng mga ito.

Nagpaliwanag si Roque sa aking teleradyo program Erwin Tulfo Live sa Radyo Pilipinas 738AM na iginagalang niya ang “freedom of expression” ng media practitioners.

Pinagdiinan niyang suportado ni Manong Digong ang freedom of the press at freedom of expression.

Kinakatigan ko ang kanyang posisyon ukol sa freedom of expression ngunit huwag nating kalimutan na may freedom of expression din ang mga DDS sa pamamagitan ng social media.

Kailangan na linawin ng bagong kalihim kung ang kanyang sinasabi ay kanyang opinion o kung ito ay pahayag ng Pangulo o Malacañang.

Magkaiba ang spokesman na ibinibida ang Pangulo at isang commentator na pansariling kaisipan ang ipinapahayag. DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments