SPED NG VALENZUELA HINANGAAN NG MGA LGU

0
55


MARAMING Local Government Unit (LGU) sa buong bansa ang napahanga sa ginawang hakbang ng Valenzuela City Government dahil sa pagtatayo nito ng Valenzuela Special Education Center na hahasa sa interes ng mga special children.

Ang Valenzuela Special Education Center na mayroong apat na palapag na gusali at labing-apat na kuwarto ay matatagpuan sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Barangay Malinta ng naturang lungsod.

Kabilang sa mga kuwarto dito ay para sa occupational therapy, physical therapy, speech therapy, assessment room, early intervention area, computer laboratory, restaurant-café at simulation area para sa job skill transition program halimbawa na dito ang hotel room, laundry area, arts and crafts room.

Layunin ng programang ito na maihanda ang mga mag-aaral sa kanilang pakikisalamuha sa lipunan at mabigyan ng sapat na kaalaman para sa kanilang paghahanapbuhay.

Ang pagtatayo ng Valenzuela Special Education Center ay bahagi ng ipinatutupad na 360 degrees Education Investment Program ng lungsod.

Bukod sa center na ito ay mayroon ding labing-pitong pampublikong paaralan ang nagbibigay ng SPED sa elementarya at sekondarya sa buong Valenzuela City bukod pa sa tatlong pribadong paaralan.

Matatandaang isa sa prayoridad ni Mayor Rex Gatchalian ay ang edukasyon kaya’t patuloy nitong tinutupad ang kanyang tungkulin sa lungsod sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong paaralan sa bawat barangay.

Malaki na rin ang pagbabagong naganap sa edukasyon ng lungsod dahil na rin sa pagkakaroon ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV); Valenzuela City Polytechnic College (ValPoly), Valenzuela School of Math and Science (ValMaSci) at iba pa.

Naging katuwang ni Mayor Rex sa pagsasaayos ng edukasyon sa lungsod sina Senator Win Gatchalian, 1st District Congressman Wes Gatchalian, 2nd District Congressman Eric Martinez, Vice-Mayor Lorie Natividad-Borja at ang bumubuo ng city council. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments