SPECIAL FEATURE: JENNYLYN, ‘KINAIINGGITAN’ DAHIL KAY GIL CUERVA!

0
165


Gil at Jennylyn

Sa loob ng anim na buwan, sob­rang laki na nga ng pagbabago sa buhay ni Gil Cuerva. Kung dati-rati, bagama’t rumarampa siya sa runway, o nagpi-pictorial para sa iba’t ibang magazines, at tinitilian din ng mga kababaihan, at kabadi­ngan, masasabing tahimik pa rin ang buhay niya.

December unang in-announce na siya ang gaganap na Matteo sa Pinoy version ng Korean show na My Love From The Star, na sikat na sikat sa mga Pinoy. At ngayong nakaka-3 weeks na ang show nila, lalo ngang nag-iiba ang buhay ni Gil.

“Very exciting ang feeling. Kakalabas lang ng show, 3 weeks pa ang. So, I guess, lahat ng hard work namin, nasusuklian na. Kaya sobrang thankful ako sa lahat ng tao sa set, utility, producers, stylists, make-up artists, especially sa mga artista, lalo na kay Jen, and of course kay Direk Joyce (Bernal).

“Since December po, na sinabi na ako si Matteo, nag-iba na ang buhay ko. Sa ngayon, mas nakikilala na ako.”

“Ako ang suwerte kay Jen! Sobrang ganda niya!
Sobrang sexy!” — Gil Cuerva

Ikaw nga raw ang bagong pantasya ng kababaihan at kaba­dingan?

“Not to sound cliché, pero thankful ako na ma­lakas ang support ng fans. I guess it’s also overwhelming, kasi hindi ako sanay na ganito karami ang support na nakukuha ko sa fans.

“Nagka-fans na ako nu’ng model ako, pero talagang nag-multiply sila ngayon.”

Ano ba ang reaksiyon ng mga fans kapag nakikita siya? Matapos ngang maipalabas ang shower scene niya, at maipakita ang ganda ng katawan niya.

“Ang fans, mas medyo wild sila ngayon dahil sa show. Mas maingay sila sa social media. Thankful ako, kasi interesado sila sa My Love From The Star. Ang saya na nandiyan sila.”

So, nararanasan na niyang lamutakin, kurutin, panggigilan, yakapin, halikan ng mga fans?

“Nangyayari naman talaga `yon. I guess, ganun talaga. Thankful ako kasi gusto nila ako. Fans talaga sila. Ano ba mas maganda, magka-fans o walang fans? Mas gusto ko ‘yung pansinin nila ako. Kahit minsan sobra, masyado magulo, pero natural po `yon, at masaya `yon. Gusto ko `yung ganun,” tsika ni Gil.

Nagbago na rin ba ang ‘samahan’ nila ni Jennylyn ngayong halos araw-araw na nga silang magkasama sa loob ng halos anim na buwan?

“Of course, mas comfortable na ako kay Jen ngayon, na malaking tulong sa work namin. Lalo na sa mga eksena namin. Marami na siyang natulong sa akin.

“Nakita ko `yung personality niya na very understanding at very patient…”

Sentro na raw ng inggit, at selos si Jen ngayon. Ang suwerte nga raw ni Jen, na nayayakap, at nahahalikan ka?

“Ako po ang masuwerte. Siyempre, si Jen po `yon.

“Pinalabas na nga po ang kissing scene. Na-shoot `yon sometime May. Siguro, mga late last month.”

Ang lakas nga raw ng chemistry niyo ni Jen?

“Sabi nga raw po. Thankful naman ako.”

Bagong pantasya ng mga beki, girlash?
“Gusto ko ‘yon!” — Gil Cuerva

Inaabangan ng mga beki, girlash, fans mo ang panibagong shower scene mo?

“Kasama sa original version `yon. We’ll see, baka may masingit pa na iba si Direk.”

So, okey lang ba sa iyo `yon, na parang sex object ka na, o pinapantasya ka na ng ibang tao? Pinagnanasaan?

“Parang carry lang po. I appreciate it. I guess in a way, it means na gusto nila ako. Thankfully they find me attractive. Pero sana in the future, ma-notice nila na okey naman ako as a person, as an actor.”

Pero, they want more raw? Na gusto nila, hindi lang ‘abs’ ang makita nila.

“Ah, gusto ba nila `yon? Speedo? Trunks? Tight? Okey. Okey. Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Gil, na unti-unti, nasasanay na ngang makipagbiruan sa mga kaharap, o nagagawang ‘joke’ ang mga tanong sa kanya.

Anyway, inamin ni Gil na ang magandang mukha ni Jennylyn ang sa tingin niya na dahilan kung bakit marami talaga ang nagmamahal sa dalaga. Kahit nga raw siya ay gandang-ganda kay Jen, lalo na sa malapitan, at sa mga eksenang halos nagdidikit na ang mga mukha nila.

“Ang face niya, sobrang ganda. Kahit sino, maa-attract talaga sa kanya.”

Seksi rin si Jen, ‘di ba?

“Given na po `yon, na sexy talaga si Jen.”

May mga nagseselos na ba?

“Nagseselos? Ang mga friends ko na boys nagseselos sila. Na sabi nga nila, ang suwerte ko nga raw…”

Gaano na sila ka-close ni Jen ngayon?

“Hindi pa po mas­yadong personal. Hindi po ako nagpi-feeling close. Hindi ako pretending to be ano…

“For me, mas casual ang relationship namin. Nagkukuwentuhan lang about interests namin. Hindi naman `yung parang exags, na lahat kinukuwento, na may mga tinatanong ako na whatever. Hindi po ako feeling close sa kanya.

“Level of closeness, bago pa naman kasi kami na magkakilala, pero close in a sense na when it comes to work, okey kami. Close enough na pagdating sa work, okey kami.”

Teka lang, nakaka-relate ka ba kay Matteo? Si Matteo na parang inosente sa maraming bagay?

“Kunwaring ino­sente po ako. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Siguro ang pareho sa amin ni Matteo, `yung medyo aloof ako noon. Self defense mechanism `yon. Sigugo, trust issue rin. Noon kasi, akala mo dapat i-trust ‘yung isang tao, pero maririnig mo sisiraan ka rin pala,” sambit na lang ni Gil.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments