SPECIAL FEATURE: ALDEN-MAINE, TODO-LAMBINGAN, IYAKAN SA 2ND ANNIV…

0
72


Maine at Alden

Ang #ALDUB2getherForever ang muling nagpainit sa Twitter world kahapon, dahil na rin sa ika-2nd taon (July 16 ang totoong anibersaryo nila) na selebrasyon ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub.

Nasa top spots ang #ALDUB2getherForever nationwide, at pati na rin worldwide, ha!

At sumingit pa rin ang mga pa-hashtags na #Menggay at #Happy 2nd.

At hindi pa rin nalalayo sa unang taon na eksena ng AlDub, dahil dagsa pa rin ang fans sa Broadway Centrum. At gaya ng dati, hindi nakapasok ang lahat, at mukhang mas marami pa ang naiwan sa mismong labas ng studio. Pero, instead na umalis, nag-stay talaga sila, at in-enjoy ang mga eksena, at pati na rin ang pa-‘isaw’ na favorite street food ni Maine, na nagustuhan na rin ni Alden.

Opening number pa lang ng Eat Bulaga, bongga na agad, dahil sina Maine at Alden nga ang bumida. Magkasamang sayaw with matching kanta ang ginawa nila.

“Ang Dub ng buhay ko, Maine Mendoza…

“Mainey more years to come… Together Forever! AlDub Nation…” ganyan ang intro ni Alden.

Sa simula pa lang, mukhang sulit na ang kaligayahan ng mga fans nina Alden at Maine. Sobrang clingy nga ng dalawa. Na tipong sabay na sabay talaga kung mag-usap ang kanilang mga katawan.

“Walang makakapigil sa amin…” – Alden
“Wala kaming pagsubok na uurungan…” — Maine

Siguradong sarap na sarap ang mga fans nila na panoorin ang mahihigpit na yakapan, na may kasamang paghalik, may pagbulong, may paghimas, may pag-amoy ng mukha at buhok, may pag-ayos ng buhok.

Bukod pa riyan ang subuan ng ice cream, at ang pa-nose to nose, na sabi nga ni Alden, ang sarap, kasi ang lambot ng ilong, at siyempre, ang punasan ng pawis ng dalawa.

Pero siyempre, nandiyan pa rin ang pagluha. Luha ng kaligayahan, lalo na sa part ni Alden. Na noon pa man, talagang emotional na, sa tuwing pinag-uusapan ang mga karanasan nila ni Maine, mula sa simula, hanggang sa kasalukuyan.

Hindi nga malilimutan ng mga fans ang pag-iyak ni Alden noon habang kinakanta ang God Gave Me You, na hindi nga niya natapos, dahil tuluyan na ngang tumulo ang luha niya.

“Regardless kung ano ang napagdaanan namin at pagdadaanan pa… Walang makakapigil sa amin…” sabi ni Alden.

“Kahit anong mangyari, AlDub Forever,” sabi naman ni Maine, with matching ‘pinky promise’ na senyales ng sumpaan nilang dalawa.

Napag-usapan din ang tungkol sa mga bashers nilang dalawa, at pati na rin ng mga tao sa paligid nila. Nasabi nga ni Allan K na ang daming gumagawa ng kuwento, gumawa ng mga pekeng accounts sa Twitter, para lang pagsabungin sila mismo.

At isa nga sa mga biktima riyan si Patricia Tumulak, na patuloy na inili-link kay Alden. Na kesyo sikretong karelasyon ng binata.

“Tigilan niyo na. May boyfriend ako!” giit ni Patricia.

Na sinundan nga ng tsika ni Allan, na foreigner ang boyfriend ni Patricia. At dahil doon, mababasa mo na biglang-bigla katakut-takot na papuri ang tsika ng AlDub Nation para kay Patricia.

Anyway, kahit ang mga tao sa paligid ng dalawa, tila kinikilabutan sa tuwing binabalik-balikan ang pangyayari kina Maine at Alden.

“Intro pa lang, kinilabutan na ako…” sabi ng sister ni Maine.

“Naiiyak na ako…” ang tila sabay-sabay na sey ng mga fans, na mababasa mo sa Twitter.

Kasi nga, muli ngang binalikan ang mga kantang pinagsaluhan nina Alden at Maine sa loob ng dalawang taon, na nagpakilig nang husto sa mga fans. Kasama nila ang Broadway Boys sa pagkanta.

Ang mga kanta nga raw na `yon ang siyang nagbibigay koneksiyon sa dalawa. Feeling emotional nga ang lahat sa pagbabalik-tanaw na `yon.

Pero siyempre, nangi­babaw pa rin talaga ang matinding kilig, dahil sa mala-music video na eksena nina Maine at Alden, na halos maghalikan na sa fountain na props.

At ang kantang God Gave Me You nga ang tila nagpaluha na naman sa lahat…

Magkayakap na medyo maluha-luha ang dalawa…

“Nu’ng kinanta na ang AlDub hits, nag-flashback sa akin lahat ang mga nangyari sa loob ng 2 years. Malaking bagay na na-refresh sa alaala ko ang mga songs.

“Gusto kong pasala­matan ang …” sa puntong ito ay gumaralgal na naman ang boses ni Alden, na may kasamang pagluha na, bagama’t ramdam mo na pigil na pigil.

“Lahat ng dabarkads, na nandiyan po para sa amin…

“Mula sa unang pagkikita namin ni Maine. Na split-screen pa lang noon, hanggang ngayon na nagkikita na kami, salamat…” saad pa ni Alden na tuluyan na ngang tumulo ang luha.

“Mananatili pa rin tayong matatag para sa isa’t isa. At marami pang tamang panahon na para­ting. Hihintayin natin ang tamang panahon. Wala tayong pagsubok na uurungan…” sey naman ni Maine.

At `yun na nga, tuluyan na ring nag-iyakan sina Maine at Alden…

“Masaya kami…” sabi ni Alden sa kanilang pag-iyak.

“Sobrang daming blessings, na hanggang ngayon nandiyan pa rin sila…” sey naman ni Maine.

ALDEN-MAINE, MAG-‘UYAB’ NA!

Anyway, sa bandang dulo ng Eat Bulaga, sa portion ng Jackpot en Poy, na kung saan ay si Kara David ang nanalo, biglang umeksena si Baeby Baste, na malungkot.

“Bawal mag-uyab (magdyowa, magkasintahan)…” sabi lang ni Baste.

Na ang theory ni Ruby Rodriguez, baka may nakita si Baste sa backstage, na ‘lambi­ngan’ nina Alden at Maine, na ipinagselos ng bulilit.

Ang bata raw ay hindi nagsisinungaling. So, kung ang eksenang `yon ang pagbabasehan, mag-uyab na ang dalawa! Ano sa tingin niyo?



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments