SLIDESHOW: LeBron, Durant ilan sa mga paboritong mag-uuwi ng NBA MVP

0
17



Ayon sa taunang survey ng mga NBA general manager, kalahati sa kanila ang naniniwalang iuuwi ni James ang MVP.

Ngayon at wala na si Kyrie Irving at habang injured at masa-sideline ng matagal-tagal si Isaiah Thomas, malaki ang papel na gagampanan ni James sa magiging kampanya ng Cavaliers na makabalik sa finals.

Ngunit may isyu sa kalusugan ang tinaguriang “the King”; sa edad na 32, hindi na rin siya bumabata. Maaaring i-manage ng coaching staff ang kanyang playing time, bagay na hihila pababa sa tsansa ni James. File/Reuters

Ipinakita ni Durant noong nakaraang season na kahit bahagi siya ng isang super team, kaya niyang paangatin pa ang kanyang laro.

Bago siya na-injure at napilitang di maglaro ng halos isang buwan, naging maingay ang pangalan ni Durant sa karera para sa MVP.

Matapos niyang makopo ang Finals MVP nitong Hunyo, may mga nagsasabing may dalang momentum si Durant patungo sa panibagong season. File/Reuters

Simula nang ipasa kay Leonard ang susi ng Spurs franchise, oras na lang umano ang binibilang bago niya mapanalunan ang Maurice Podoloff Trophy.

Bukod sa pagpapatuloy ng winning tradition ng San Antonio sa ilalim ni Leonard, wala rin siyang kaagaw sa limelight sa kanyang koponan, di tulad ng iba na may mga super team, Big 3 or dynamic duo.

“Leonard has less help than Westbrook, Harden, Durant or James and is better defensively than all of them. He also showed signs of improving as a playmaker. He gets better every season,” sulat ni Matt Moore ng CBSSports.comFile/Reuters

Kaya ba ni Westbrook makasungkit ng back-to-back MVPs? Kung makakapagtala siya muli ng triple-double sa buong season at sabay na magiging mataas ang record ng OKC, bakit hindi?

Ang diperensiya lang ngayon, di na nakasentro sa kanya ang opensa ng Thunder dahil sa pagdating ng all-star caliber na tulong.

“Westbrook will be physically no less capable of repeating that performance this season. But the arrival of Paul George as a running mate will surely cut into the numbers,” sulat ni Fran Blinebury ng NBA.comFile/Reuters

Malaki ang inilundag ng career ng “the Greek Freak” simula ng pumasok siya sa liga bilang tinedyer apat na taon na ang nakalilipas.

Binoto siya sa starting lineup ng East All-Stars sa nakalipas na kampanya bukod pa sa pagpasok niya sa All-NBA second team, habang consistent na tumataas ang averages niya sa points, rebounds, assists, steals at blocks kada taon.

Kung matutulungan ni Antetokounmpo na pataasin pa ang record ng Bucks, hindi mahirap isiping deserving siyang tanghaling MVP. File/Reuters

Makakasira ba o makakatulong ang pagdating ni Chris Paul sa Rockets sa tsansa ni Harden sa MVP?

Bilang starting point guard sa ilalim ng free-flowing na opensa ni coach Mike D’Antoni, pinangunahan ni Harden ang liga sa assists habang ang 29.1 points at 8.1 rebounds na mga average niya ay mga career-high rin.

Ngayon at katambalan niya si Paul sa backcourt, maaaring mas maging maganda ang percentages niya sa shooting at siyempre inaasahang mag-i-improve ang record ng Houston. File/Reuters



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments