Singer, siniraan ang aktres? | Tempo

0
78


HOW true, may silent feud ang isang aktres at isang female singer (FS)? Ayon sa tsikang nakarating sa amin, diumano’y matagal nang kinikimkim ng aktres ang sama ng loob (o galit) sa FS.

Magkababayan ang dalawa at diumano, nag-ugat ang sama ng loob (o galit) ng aktres sa FS nang kumandidato ang aktres para sa isang government position sa bayan nila ng FS.

Nakarating sa aktres na diumano’y siniraan siya ng FS, kaya natalo siya. Kung anu-ano raw paninira ang ginawa ng FS sa aktres.

Nasaktan ang aktres na sa halip nga naman na suportahan siya ng FS dahil magkababayan sila, siniraan pa siya nito.

Di nagpaalam

Napag-usapan ng showbiz writers sa isang presscon ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawang kilalang celebrities. Ayon sa isang reporter, nawalan daw ng tiwala si male celebrity (MC) sa girlfriend nitong aktres.

May dinaluhan daw na isang event ang aktres. Nagkataong ‘andun din pala ang ex-boyfriend na aktor ng aktres at nagkita ang dalawa. Common friend daw nila ang nag-imbita.

Hindi diumano nagpaalam ang aktres sa boyfriend niyang male celebrity na pupunta siya sa event. Hindi ‘yun nagustuhan ng MC, kaya nakipag-break sa aktres na ikinagulat nito. Sa text lang nakipag-break si MC sa aktres.

Nagkagulatan

Hindi pala alam ni Angelu de Leon na magkakatrabaho sila ni Joko Diaz sa isang GMA series. Aniya, nagkagulatan na lang sila noong nagkita sila sa storycon nito.

Hindi naman siya nag-inarte at tinangkang mag-backout sa series. Civil naman daw sila ng kanyang ex-boyfriend since they broke-up. Eighteen years old na ang anak nilang si Nicole.

Past is past, ani Angelu at happily married na siya ngayon sa isang non-showbiz guy. Hindi isyu ‘yun sa non-showbiz husband ni Angelu. Understanding at supportive husband ito, ayon sa aktres.

Desidido

Napag-uusapan lang, pero wala pang balak magpakasal sina Mark Herras at Winwyn Marquez. Nilinaw ito ng huli sa isang presscon.

Ayon kay Winwyn, gusto niyang magpakasal bago siya mag-30 years old. Twenty-six na siya ngayon. Mark naman is 30 at desidido na siyang pakasalan si Winwyn two years from now.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/05/20/singer-siniraan-ang-aktres/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments