Showbiz, Scandal, Shame –

0
25


Kung may iskandalo sa Pilipinas tungkol sa umano’y paggamit ng ilang opisyal ng Social Security System ng koneksyon ng ahensiya para kumita sa stock market, ang Hollywood industry sa Amerika, may sariling problema rin na S.S.S. o showbiz, scandal, shame.

Habang pera ang pinag-uusapan sa kontrobersiya sa SSS sa Pilipinas, ang pinag-uusapan namang S.S.S sa Hollywood eh ‘tawag ng laman’. Pero hindi basta-basta ang iskandalong ito ngayon sa showbiz industry ng Amerika dahil kasama sa mga sangkot ay malalaking pangalan ng mga artista at producer.

Mantakin nyo, dahil sa alegasyon ng pananamantala at pambabastos, aba’y napilitan ang ‘LODI’ na American actor na Kevin Spacey na magladlad na siya ay bading.

Ginawa niya ang pag-amin nang ikuwento ng aktor na si Anthony Rapp, na pinagtangkaan daw siya ni Spacey ng kahalayan nang 14-anyos pa lang siya noong 1986. Isa pang aktor ang nagsabing nabiktima rin ng sexual harassment ni Spacey.

Pero bago ni Spa­cey, mas matindi at mas marami ang nagrereklamo ng pang-aabuso at pana­namantala laban sa film producer na si Harvey Weinstein. Kung kelot ang nagreklamo laban kay Spacey, kay Weisten eh mga bebot na aktres at model. Magmula sa oral sex, sex, molestiya, hanggang sa mga pahiwatig, inaakusa sa kaniya ng mga nabiktima umano niya.

But wait there more ika, maging ang filmmaker na si Brett Ratner, na kasama sa mga nagawang pelikula eh ‘Rush Hour’, inaakusahan din ng sexual harassment. Nauna nang nasabit sa reklamong pananamantala ang komedyante na si Bill Cosby.

At ang pinakabago sa listahan ng iskandalong ito sa Hollywood ay isa pang ‘LODI’ sa acting na si Oscar-winning actor Dustin Hoffman, na bagay naman na itinanggi niya.

Kung tutuusin, hindi naman nakapagtataka kung nagkakaroon ng ganitong iskandalo sa showbiz dahil sadyang malapit sa tukso ang mga taong nasa industriyang ito. Hindi lang iyon, dahil sa kompetisyon at ambisyon na rin ng iba, tiyak na may direktor o producer na magsasamantala sa kahinaan ng mga nais na sumikat, lalo na iyong baguhan. Kahit naman yata sa ibang industriya eh nangyayari ‘yan.

Katunayan, kung se­xual harassment ang pag-uusapan, lumabas sa isang pag-aaral noong 2016 sa bansa na tumataas ang bilang ng mga babaeng nabibiktima nito. Sinasabi sa isang survey na tatlo sa bawat limang babae eh nakaraang ng sexual harassment sa kanilang buhay. Ang matindi pa nito, 50 porsiyento raw sa mga naging biktima ay walang ginawa at hina­yaan na lang palampasin ang nangyari.

Ang tanong ng ating kurimaw, sa Philippine showbiz kaya eh nangyayari rin ang nangyari sa Hollywood? Aba’y bakit naman hindi? Hindi ba noon eh nagkaroon na ng iskandalo bago pa man sumikat ang mga ‘video scandal’, tungkol sa isang bading na talent manager na hinihipo ang ‘birdie’ ng kaniyang alagang bagitong aktor para sa pictorial.

Sa ilang pelikula, mayroon ding tema tungkol sa pagsasamantala ng direktor o producer sa baguhang artista. At dahil ika nga nila eh salamin ng tunay na buhay ang pelikula, aba’y alam mo na ang sagot.

Ang mas magandang tanong, mayroon din ka­yang artista na magkakaroon ng lakas ng loob na aamin sa naranasan niyang pang-aabuso sa kapwa-artista, o direktor, o producer? Abangan natin kung aabot sa Pilipinas ang scandal fever ng Hollywood. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.” (Twitter:@dspyrey)



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments