Sharon, malungkot pa rin sa pagpanaw ni Willy Cruz, Direk Wenn

0
92


MANILA — Hindi maitago ng aktres at host na si Sharon Cuneta ang lungkot na patuloy niyang nadarama sa pagpanaw ng mga mahal niya sa buhay kabilang na ang batikang kompositor na si Willy Cruz, ang talent manager na si Angge at Direk Wenn Deramas.

Matatandaang si Willy ang lumikha ng mga sikat na awitin ni Sharon tulad na lamang ng “Pangarap Na Bituin,” “Bituing Walang Ningning,” “Sana’y Wala Nang Wakas” at “Hanggang Kailan Kita Mamahalin,” samantalang nakasama naman ng aktres si Wenn sa pelikulang “BFF: Best Friends Forever.” 

Pumanaw si Cruz nitong Abril 16, habang si Angge naman ay namatay nung Marso lamang. Si Direk Wenn ay pumanaw nung Pebrero 29, 2016.

Sa Facebook, muling ibinahagi ni Sharon ang kanyang pangungulila sa kanyang mga mahal sa buhay na pumanaw.

 

“I know it will take me a long while to not cry whenever I think of Willy Cruz, whenever I hear our songs… and to forgive myself and get over my guilt over not doing my tribute album for him of all people, when he and I worked on my tribute albums to Valera and Canseco. Please ease my hurt over losing my Nanay Angge who I thought would live forever… my direk and friend Wenn Deramas whom I will forever miss,” sulat ni Sharon.

“Please Lord God, enough na muna po if I may ask for that. Thank you.”

Matapos na makabalik mula sa kanyang bakasyon sa ibang bansa, diretso sa paggawa ng pelikula si Sharon.

 

Subalit dahil sa jet lag at pagbabago ng panahon, inamin ni Sharon ang pagkakasakit.

Sa ngayon aniya ay balik trabaho na siya para sa “The Voice Teens.” Guest din siya sa concert ni Basil Valdez sa Biyernes sa Solaire.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments