Sharon, kinikilig kina Julia at Joshua | Tempo

0
32


KINIKILIG si Sharon Cuneta kina Julia Barretto at Joshua Garcia, co-stars niya sa “Unexpectedly Yours.” Ani Sharon sa presscon, tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang dalawa kapag nasa set sila ng kanilang movie.

“Ang cute nilang tingnan. They make my day,” ani Sharon na gumaganap na ina ni Julia sa UY. “I really fell in love with Julia and Joshua. It was such a joy to work with them.”

Ayon pa kay Sharon, kita niya at damang-dama na nagmamahalan sina Julia at Joshua. Nagho-holding hands na aniya, “Hindi magho-holding hands kung hindi sila magkaanu-ano. Baba ang tawagan nila. Inggit ako sa kanila. Nakikita ko ang devotion ni Joshua. Mukhang faithful at feeling ko may mararating ang kanilang personal lives. They love each other,” saad ng megastar.

Payo niya kina Julia at Joshua, i-treasure ang kanilang love team. Mag-focus sila kung alin ang mas importante para hindi sila magsisi.

Ani Sharon, dream daughter niya si Julia at ito ang pinakamaganda sa mga Barretto. Say mo, Gretchen Barretto?

Pa-sweet

Hiya-hiyaan si Julia Barretto na aniya, hindi niya alam kung ano’ng sasabihin sa mga narinig niya mula kay Sharon Cuneta. Honored and thankful sila ni Joshua na nakatrabaho nila sina Sharon at Robin Padilla sa “Unexpectedly Yours” na marami silang natutunan mula sa dalawa.

Sa presscon, pa-sweet sina Julia at Joshua. Panay ang bulungan at tawanan nila. Mukhang may sariling mundo. May pahawak-hawak pa si Joshua sa tuhod ni Julia.

Idol

Pamangkin ang tawag ni Robin Padilla kay Joshua Garcia. Pinayuhan niya ito at si Julia Barretto na huwag mabuhay sa nakaraan. Huwag problemahin ang kinabukasan. Namnamin ang tamis na nararanasan nila ngayon sa kanilang relasyon.

“Tamisan n’yo pa,” saad ni Robin na gumaganap na uncle ni Joshua sa “Unexpectedly Yours.”

Ani Joshua, super idol at inspiration niya si Robin sa pagtrato nito sa mga katrabaho nila sa set. Full of energy ito, pati si Sharon.

Ayon naman kay Robin, kumukuha siya ng energy kay Joshua. “Buhay na buhay ang batang ito. Ang sarap nilang (Joshua at Julia) tingnan. Nakakabata sila. Maraming alaala ang tumatakbo sa isipan ko noong kabataan ko,” lahad ni Robin.

Showing on Nov. 29 ang “Unexpectedly Yours” sa mga sinehan nationwide. Directed by Cathy Garcia-Molina and produced by Star Cinema.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/28/sharon-kinikilig-kina-julia-at-joshua/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments