Sharon, gusto nang maging lola | Tempo

0
13


Like namin ang pagiging honest ni Julia Barretto. Hindi niya itinatanggi na may relasyon sila ni Joshua Garcia. Noong ibuking sila ni Sharon Cuneta sa presscon ng “Unexpectedly Yours,” hindi kinontra ni Julia,pati ni Joshua ang sinabi ni Sharon na “sila” na.

Wala sa bokabularyo nina Julia at Joshua ang pakiyeme ng ibang showbiz couple na walang label (kuno!) ang kanilang relasyon.

Noong nag-guest si Julia sa “Tonight with Boy Abunda,” tinanong siya ni Boy kung bakit hindi pa niya sinasagot si Joshua ? ”Sino ang may sabing hindi pa?” walang kiyemeng sagot ni Julia.

Kasama niyang nag-guest si Erich Gonzales na nagsabing, “ Sila na (Julia at Joshua).”

Inamin naman ni Erich na may nagpapasaya ng puso niya ngayon. Hindi lang niya sinabi kung sino.

Sa pagtatapos ng programa ni Boy, nag-promote si Julia ng “Unexpectedly Yours.” Binanggit niya ang mga kasama sa movie na sina Sharon Cuneta, Robin Padilla, “and my love Joshua Garcia “ ang hirit ni Julia na halatang in labey (in love). Showing na sa mga sinehan ang UY.

Gusto nang maging lola

Nasasabik na si Sharon Cuneta magkaapo. Aniya sa presscon ng “Unexpectedly Yours,” ang tagal-tagal na niyang naghihintay. Excited na siyang maging lola.

Mukhang nagpaparinig na si Sharon sa anak niyang si KC Concepcion. Nasa marrying age na si KC na thirty something na.

Tanggap naman ni Sharon ang pakikipag-relasyon ni KC kay Aly Borromeo. Same with Gabby Concepcion, KC’s biological father na sa isang interbyu ay sinabi ng aktor na handa na siyang maging lolo.

Kumusta na ba si KC? Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon? Hindi na kaya siya interesadong mag-showbiz?

New shows

Bukod sa mga bagong teleserye ng GMA7 sa 2018, tatlong reality competitions ang dapat abangan. Dalawa ang singing contests…”Center Stage” at “Clash” na mga bigatin ang hosts at judges.

Ibabalik din ang “Starstruck” at abangan ang nationwide auditions para sa artista search na ito. Ilan sa mga produkto nito’y sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Kris Bernal, Katrina Halili, Sheena Halili, Yasmien Kurdi, Mike Tan, LJ Reyes, among others. Mga aktibo pa rin ang mga ito sa showbiz.

The rest ng “Starstruck” alumni, nasaan na kaya sila?

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/12/01/sharon-gusto-nang-maging-lola/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments