Sharon, ‘di isinasaalang-alang ni Kiko sa mga ‘dakdak’ niya laban sa mga Marcos

0
23


INTINDIDO namin ang punto ni Senator Kiko Pangilinan kaugnay ng planong pagsauli ng pamilya Marcos sa gobyerno ng umano’y nakulimbat nitong yaman.

But coming from him ay hindi maiiwasang madamay sa usapin ang kanyang maybahay na si Sharon Cuneta.

Nakalimutan yata ni Kiko na ang nasirang ama ni Sharon na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, had served under the Marcos administration for the longest time. Nakababa na nga’t lahat sa puwesto ang mga Marcos na identified sa mga Cuneta ay naninilbihan pa rin ang kung tawagi’y “Ambo.” Kaisa ni Kiko ang mga kapwa niya mambabatas na sina Risa Hontiveros at Bam Aquino sa isyung ito na hindi sapat kung hindi sasamahan ng mga Marcos ng pag-amin sa kanilang corrupt practices noon.

Sana’y hindi na naging masyadong vocal si Kiko dahil ang hampas sa kalabaw, hayun sa kabayo ang latay!

For her part, dapat ay pagrerenda ring ginagawa si Sharon sa mister. Oo nga’t hindi isang political mind si Sharon, pero ang pinupuntirya naman ng asawa niya’y malapit dati sa kanyang pamilya.

Maano ba namang payuhan ng megastar si Kiko not to be too hard on people na naging bahagi ng buong pagkatao niya? Musmos pa si Sharon ay nariyan na ang ama niya sa mundo ng politika sa ilalim ng rehimeng Marcos.

To Kiko and Sharon, respectively…kaunting preno, kaunting renda.

Noven nakahinga na,
kasong isinampa,
iniurong na

MAKAHIHINGA na nang maluwag ang Tawag ng Tanghalan champion na siNoven Belleza makaraang naghain na ng affidavit of desistance ang umano’y biktima niya ng sexual assault sa Cebu.

Ang nasabing dokumentong legal ay ang pag-uurong o pagwi-withdraw ng isinampang reklamo.

Ayon sa salaysay ng umano’y minolestiya ni Noven, nais niyang magkaroon ng katahimikan ang kanyang pag-iisip na nabulabog nang sampahan niya ito ng kaso.

Oo nga naman, kung susukatin ang mga reaksiyon ng publiko, ‘di hamak na mas marami pa ang pumanig kay Noven kaysa umano’y biktima. Marami kasi ang diskompiyado sa butas-butas na bersiyon ng alleged victim.

Hindi ito maliwanag na halimbawang ang babaeng ‘yon na nga ang naagrabyado ay siya pa itong biktima ng public outrage. Hindi na kasi kailangan pang pagdebatehan ang malinaw namang motibo ng hitad kaya walang pinakamagandang hakbang kundi ang iurong na lang niya ang kaso which she did.

Malaking aral din ang mapupulot ni Noven sa sitwasyong ito. Sana nga’y hindi na siya masyadong generous sa pagbibigay ng tiwala sa mga tao—most specially women—na hindi naman niya kilala.

Ngayong kahit paano’y may pangalan na si Noven with a bright singing career going for him, maging mas maingat sana siya.

Hindi lahat ng nakakasalubong niyang nakangiti sa kanya have the best and cleanest of intentions sa kanya, lalo pa ngayong iba na kahit paano ang estado niya sa buhay.

Isipin ni Noven na napakalaki ng kaibahan ng contest na Tawag ng Tanghalan na sinalihan niya at “tawag ng laman” na ikinabulilyaso niya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments