SELEBRASYON NG RAMADAN MALUNGKOT –

0
123


Halos mapuno ang loob ng Golden Mosque sa Quiapo, Maynila ng mga Muslim na dumalo sa kanilang regular na pagsamba kahapon sa disperas ng pagdiriwang ng Ramadan na magsisimula ngayong araw. (Jonas Sulit)

Malungkot ang pagdiriwang ngayong taon ng Ramadan dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Saanoden Hadji Rashed Naga Punut, dating barangay kagawad at treasurer sa Muslim community sa Quiapo, wala na ang masayang kapaligiran at iba’t ibang aktibidad na idinadaos sa pagsisimula ng Ramadan.

Nakasanayan na umano ng mga residenteng Muslim sa lugar na magdaos ng mga feeding programs para sa mga mahihirap na Muslim sa komunidad pero hindi nila ito magawa dahil sa pag-aalala sa kanilang kamag-anak sa Marawi.

Ang pagdiriwang ng Ramadan ay magsisimula ngayon araw.

Sinabi rin ni Punut na nangangamba sila na gawin ng mga awtoridad ang ginagawa nila sa Marawi City sa Quiapo sa pamamagitan ng pagdampot ng mga Muslim at isangkot sila sa Maute Group na ang aktibidad ay taliwas sa turo ng Islam.

Kasabay nito, kinondena rin nila ang Maute Group dahil ang tunay na aral ng mga Muslim ay kapa­yapaan at pagmamahalan.

Samantala, tiniyak naman ni Manila Police District public information officer Chief Inspector Erwin Margarejo na may sapat na seguridad sa bisini­dad ng Quiapo para sa maayos at mapayapang paggunita sa Ramadan

Samantala, mariing kinondena ni Autonomous Region in Muslim Minda­nao Governor Mujiv Hataman ang “acts of terror” na nagaganap sa Marawi City.

Sinabi ni Hataman na sinisira nito ang ‘diverse community’ ng Islamic City ng bansa na nagsisilbing tahanan ng mga taong mula sa iba’t ibang kasaysayan at paniniwala.

Giit ni Hataman, sinumang naghahasik ng terorismo na nagsasabing ginagawa ito sa ngalan ng Islam ay dapat na mahiya.

Tinawag din niyang halimaw ang sinumang nagsasabing may ipinag­lalaban pero naghahasik ng karahasan ilang araw bago ang banal na buwan ng Ramadan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments