SCAM SA BDO, BPI? – Remate

0
84


MAHIGIT isang buwan na nang alukin ko ang kapit-bahay ko ng insurance policy para mayroon siyang ipon na magagamit niya makalipas ang 10 taon mula ngayon.

Mayroon kasi akong insurance policy, misis ko at pati bunso namin. Isusunod namin ang dalawa pa naming anak kung madaragdagan ang kita naming mag-asawa.

Pero, itong kapit-bahay ko na itago natin sa pangalang “Bilog” ay todo-todong tumutol sa insurance policy dahil marami na raw pangyayari sa nakalipas na panahon na mawawala ang pera mo na parang bula dahil sa pagkalugi ng insurance company.

Kaya, idiniin niya na mas mainam at ligtas ang perang pinaghirapan niya kung sa bangko ito ilalagay.

Sa bangko kasi niya itinatago ang pera mula sa pagtatrabaho niya sa mahabang panahon na sa kabutihang palad ay hindi naman nawala.

Ngunit, nais kong linawin, mga masugid kong mambabasa, na hindi absolutong ligtas ang pagtatabi ng pera sa bangko kahit pa sa malalaking bangko tulad ng Banco De Oro ng pamilya Sy at Bank of the Philippine Islands ng pamilya Ayala ito ihulog.

Sa araw na natagpuan ang P79-milyong pera ng Maute Group sa isang ‘kuta’ sa Marawi City ay napabalitang nagkandaletse-letse ang ATM system ng BPI.

May mga nabiktima ng tinatawag na “skimming scam.” Ibig-sabihin po, nawalan ng pera. Ang pagkawala ng pera ng mga customer ng BPI ay hindi lang ngayon naganap. Kahit noon pa ay marami nang nabibiktima.

Makaraang maayos ng BPI ang problema, sumunod naman agad itong BDO. May mga nagreklamong kliyente sa nasabing bangko na nabawasan DAW ang kanilang ipon sa BDO gayong hindi naman sila nagwi-withdraw pa.

Halimbawa, isang kakilala ko na itago natin sa ngalang “Bagyo” ang nabawasan ng P10,000 ang pera niya sa BDO, habang wala naman siyang iwinidrow na P10,000.

Ang naging problema ni Bagyo ay naranasan din ng napakaraming customer ng BDO hindi lamang kamakailan.

Katulad halimbawa ng isang nanay na napanood ko sa balita sa TV na P100,000 ang nalagas sa perang ipinapadala ng anak niya na idinedeposito sa BDO.

Tanggapin natin ang katotohanan na mayroong iskam na nangyayari sa ATM system ng BDO, BPI at maaaring maging sa iba pang mga bangko, malaki man ito o maliit.

Kailangang tanggapin natin ang problemang ito dahil ang kawawa rito ay ang mga nagdedeposito ng perang pinaghirapan nila kung babalewalain natin ito.

Pagkatapos tanggapin na problema ang skimming scam, bigyan ito ng mapagpasyang solusyon ng BDO, BPI, at ba pang mga bangko nang hindi na maulit pa.

KALUSUGAN ANG UNA KAY OCA

SABAY na isinusulong ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang kalusugan ng mga residente ng Caloocan at kalinisan ng bawat kalsada ng lungsod dahil parehong mahalaga ang dalawa.

Kalusugan ng mamamayan at kalinisan ng mga kalsada ay magkadikit sa isa’t isa, kaya parehong una kay Mayor Malapitan ang kalusugan at kalinisan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments