(sa pagsibak sa buong puwersa ng Caloocan PNP) hindi ‘yan sapat para matigil ang EJK at abuso — solons

0
55


Bagama’t aprubado ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ni Nationall Capital Region Police Office (NCRPO) director Oscar Albayalde na sibakin ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Caloocan City, hindi ito sapat para matigil na ang pang-abuso ng mga pulis at extrajudicial killings.

Ito ang iisang pananaw ng mga mambabatas mula sa Magnificient 7 o Legitimate minority sa Kamara kaugnay ng desisyon ni Albayalde matapos ang ilegal na pagpasok ng mga pulis Caloocan sa isang bahay kasama ang isang bata at police assets na armado at nagnakaw sa niloobang bahay.

“Welcome move, but such action will have no significant impact without reviewing its rules of engagement and policies in carrying out war on drugs, and without denouncing extrajudicial killings and committing to run after vigilantes who kill without let up.,” ani Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

Ginawa ng mambabatas na nasabing pahayag dahil magreretraining lamang umano ang mga pulis base sa plano ni Albayalde kaya walang kasiguraduhan na hindi gagawin ulit ng mga pulis na sangkot sa pagnanakaw at pagpatay pagkatapos ng kanilang training.

“Ako ay naniniwala na laganap na ang ganitong abuso, mangyari lamang na nakunan ito ng CCTV. Kung walang CCTV people will assume that everything is ok,” ayon pa kay Alejano.

Maging si Caloocan City Rep. Edgar Erice ay hindi kontento sa retraining lang ng mga pulis Caloocan dahil naniniwala ito na magpapatuloy ang pangaabuso ng mga pulis, hindi lang sa Caloocan City kundi sa buong bansa kung ipagpapatuloy ng Duterte administration ang giyera kontra ilegal na droga.

“Practically, the govt has given the police the right to kill, the right to plant evidence, the right to ignore terms of engagement and the rule of law. It will be noe the rule of the gun. God bless us all,” ani Erice.

“It’s just a matter of time that the PNP will be transformed into a monster, killing the innocent, violating the rights of the citizenry and committing crimes as they realize,” dagdag pa ni Erice.

Bato matututo kay Oscar

Sa panig ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin, kailangang matuto si PNP director general Ronald “Bato” dela Rosa kay Albayalde dahil ginagawa nito ang kanyang trabaho para madisiplina ang mga pulis.

“His superior, Gen Roland dela Rosa should learn a lesson or two from him. Accountability demands action and not melodramatics,” ani Villarin.

Pinapabawi din ni Villarin ang award na ibinigay sa Caloocan City at imbestigahan ang lahat ng sinibak para masampahan ng kaso para patunayan sa publiko na hindi moro-moro ang pagsibak sa mga ito.

“Headlines should read NCRPO awards Caloocan police NCR’s best and finest then sacks them after a month. Ironic justice,” reaksyon naman ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments