SA MAYNILA, LAHAT ALAGA – Remate

0
21


MALAKI ang pagmamahal ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang mga magulang lalong lalo na sa kanyang inang si Doña Maria Marcelo Ejercito dahilan kung kaya’t hindi niya pinababayaan ang mga matatanda sa lungsod na kanyang pinaglilingkuran.

Mahal na mahal din ni Mayor Estrada ang kanyang mga anak kung kaya’t nais niyang maalagaan din ang mga bata sa Maynila sapagkat itinuturing niya ang mga itong pag-asa ng bayan.

Maganda ang pagpapalaking ginawa kay Mayor Erap ng kanyang mga magulang kung kaya’t malaking pasasalamat ang kanyang ginagawa sa paraang alam niya na magugustuhan ng mga ito – mahalin at alagaan ang matatanda at mga bata.

Kaya naman, bilang pagpapakita ng pagmamahal sa mga matatanda ay malaki ang pagnanais ng dating pangulo ng bansa na maging maayos ang kalusugan ng mga ito dahilan upang mas lalo niyang ipag-utos ang pagpapabuti ng serbisyo ng mga pagamutan at health centers sa senior citizens.

Bukod pa ito sa libre ang panonood ng mga matatanda sa mga sinehan sa Maynila, bukod pa sa mayroon silang P500 regalo kapag kanilang kaarawan.

Nais naman ipakita ni Mayor Estrada ang malasakit niya sa mga bata sa pamamagitan din ng pagsasaayos ng kalusugan ng mga ito kung kaya’t sa simula pa lang ay nakaalalay na ang butihing alkalde.

Libre ang panganganak sa anim na pampublikong hospital na nasa ilalim ng pangangalaga ni Mayor Estrada bukod pa sa pagbibigay sa mga bagong panganak na sanggol ng bakuna hindi lang sa mga hospital subalit maging sa mga health center.

Maging sa pagpapalakas sa edukasyon ay pinuhunan ni Mayor Estrada sapagkat libre ang pag-aaral sa mga public elementary at high schools at maging sa dalawang sikat na pampublikong Kolehiyo sa Maynila – – – Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila.

Sa madaling salita, “From womb to tomb” ang alagang ibinibigay ni Mayor Estrada. Kaya naman naniniwala ang marami, kabilang ang inyong lingkod na “Sa Maynila, bata at matanda alaga.”

Ano pa ba ang kulang sa serbisyong ibinibigay ng Ama ng Maynila?

Halos lahat ay ibinibigay niya, lalo na sa mga maghihirap at nangangailangan. PAKUROT/LEA BOTONES

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments