Sa kapayapaan walang talo, lahat panalo

0
31


Nasa pinakamataas na antas ngayon ang relasyong diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Patunay ito ng dalawang beses na pagbisita ni PDu30 sa Japan at inaasahan rin sa ikalawang pagkakataon, bibisita sa Pilipinas si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ngayong buwan ng Nobyembre.

Ang respeto nina Duterte at Abe sa bawat isa ay napakataas kaya naman hindi mahirap para sa dalawang lider na magkasundo sa mga usapin na may kinalaman sa relasyon ng Manila at Tokyo.

Inaasahang tinalakay nina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe ang mga isyu na kapwa may interes sa Pilipinas at Japan.

Bukod sa tinatawag na ‘bilateral issues’ sa economic, industrial, social, at security issue, pinag-usapan din ng dalawang lider ang tensiyon sa Korean Peninsula.

***

Sana, naisingit ni PDU30 sa kanyang pakikipag-usap kay Abe ang kaawa-awang situwasyon ng mga ‘Filipina comfort women.’

Hanggang ngayon, ang mga ‘lolang’ ito naghihintay pa rin ng katarungan.
Biktima sila ng karahasan ng nagdaang World War 2.

Ayon sa Lila Filipina, hindi kabayaran ang kanilang hinihintay kung di ang opisyal na pahayag mula sa pamahalaang Hapones na humihingi ng ‘apology’ para sa mga Filipino, partikular sa mga ‘Filipina comfort women.’

***

Tampok sa pag-uusap nina PDu30 at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay ang tensiyon sa Korean Peninsula.

Kinondena ng dala­wang lider ang ‘nuclear test’ ng North Korea, subalit isinulong ang panunumbalik ng pag-uusap para maibsan ang tensiyon sa Korean Peninsula.

Dapat lamang matigil ang ‘nuclear test’ hindi lamang ng Pyongyang, kung ‘di ganoon na rin ng iba pang mga bansa na may kakayahang gumawa ng sandatang-nukleyar.

Kapag nagkagulo, walang ibang makikinabang kundi ang mga bansa na nagbebenta ng mapamuksang sandata. Matutuwa ang tinatawag na ‘military industrial complex.’

***

Kahit maanghang ang pananalita ni PDu30 kay North Korean leader Kim Jong Un, naniniwala naman ang Pangulo na dapat idaan sa maayos na usapan ang pagresolba sa Korean peninsula.

Dapat may kumausap kay Kim Jong Un para itigil ang mga plano nitong magbubunsod sa digmaang pandaigdig.

Kailang maiparating sa North Korean leader na hindi siya pinagtutulu­ngan ng mga bansa para pabagsakin sa puwesto, ayon ito kay PDu30.

***

Ito ba ang dahilan kung bakit pinapunta ni Pangulong Duterte sa Pyongyang si Philippine Ambassador to China, Chito Sta. Romana, bago bumiyahe ng Japan?

Sa kapayapaan walang talo, lahat panalo.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments