Ruru inisnab ang GMA dahil sa INC

23


Balik-trabaho na ang lahat sa mga kababayan natin, pero sa entertainment industry ay walang bakasyon dahil kailangan tuloy-tuloy ang pagbibigay ng saya at aliw ang mga kababayan natin dito at sa buong mundo.

Mahirap pero masaya ang ginagalawan ng showbiz people. Gaya ng ilan sa ating mga artista na hindi kumpleto ang pahinga nila at pakiki­pagsaya sa kanilang mga pamilya dahil kailangan nilang magtrabaho para aliwin ang mga tao.

Si Alden Richards nga wala ring pahinga dahil nagsimula siyang magtrabaho sa New Year’s countdown ng GMA 7. Kaya napaiksi talaga ang bakasyon mode niya.

Ganun din si Ruru Madrid na ilan taon din ginagawa ang countdown kasama ang pamil­ya. Pero this year ay hindi niya nahindian ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo na kanyang kinaaaniban.

Hiniling na siya ang maging co-host ng programa sa countdown nila sa Philippine Arena na dinaluhan ng libo-libong miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Bukod diyan to the delight of the crowd ay nag-perform siya ng 15-minute medley of songs na madalas niyang awitin.

Kaya sobra-sobra ang pasasalamat sa kanya ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo na wish nila ay taon-taon nilang makasama sa countdown si Ruru.

Wala kaming kaba­lak-balak na dumalo sa countdown pero sa sobrang kahilingan ng aming­ alaga na sama­han daw siya sa event at panoorin namin ang performance niya ay wala kaming nagawa kundi pagbigyan kahit kami ay nagdadalamhati.

Akala namin ay maiinip lang kami doon since maaga pa ay kailangan nasa venue na kami pero sa sobrang pag-aasikaso sa amin ng namamahala doon ay hindi kami nainip at well pampered ang entourage ni Ruru.

Nabigyan kami ng magandang mga hotel type bunkers na puwedeng mag-rest habang naghihintay ng formal start ng programa. Buma­baha ang mga pagkain at binigyan si Ruru ng isang malaking holding area by himself.

Bale si Bela Padilla ang co-host ni Ruru na umalis agad dahil may iba pa palang commitment sa gabing iyon.

Ang mga nagsipag-perform sa event ay sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, Victor Wood, Marco Sison, Boyfriends, Ara Mina, Andrew E at mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Hindi ko lang alam kung nakakanta ang mag-asawang Jessa-Dingdong sa kakulangan ng oras. Sa kalagitnaan ay ginanap ang Wowowin before New Year.

Sa hudyat ng 12 midnight ay halos dalawang­ oras ang massive fireworks display sa palibot ng arena na sa tingin namin ay milyon ang ginastos ng Iglesia Ni Cristo.

Nagpa-raffle pa sila ng limang kotse at ilang malalaking TV. Kaya bago kami nakalayas ng arena ay alas-tres na ng madaling-araw sa dami ng dumalo.

Kaya sobra raw ang sayang naramdaman ni Ruru sa pagpapasaya sa mga kapanalig niya sa Iglesia Ni Cristo although na-miss din niya ang mga kasamahan niya sa GMA sa countdown sa MOA.

Wish niya na mahati niya ang panahon niya next year para makadalo siya sa dalawang event.





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments