Rodjun susunud-sunurin ang pagbi-beybi kay Dianne

0
59


Naging special guest ng isa sa pinakamalaking mall sa bansa  not on a typical na sa isang building makikita kung hindi sa online  ang Success Mall ang mag-dyowang Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Sampung taon na ang relasyon nina Dianne at Rodjun pero hindi pa rin malinaw kung kailan sila pakakasal.

So given na ang iba na ang naiinip kung kailan sila magpapakasal. Pero ang importante sa kanila ay love nila ang isa’t isa at may maayos silang relasyon.

Sabi nga ni Rodjun, “Basta mahal niyo ang bawat  isa. Nagkakaintindihan kayo kung ano ang pinag-usapan niyo at kung ano ang pinagsamahan niyo basta nandun kayo sa bawat isa, walang imposible.”

In fairness kay Rodjun, sinagot nito ang tanong kung bakit sa 10 years,  nakakapag-kontrol sila at hindi pa sila nagkakaroon ng baby.

Sey niya, “Love ko ang baby ko (Dianne) Wala munang baby, Ha ha ha!”
Dugtong naman ni Dianne, bilang mga Katoliko sila, pare.

Pareho pa raw silang nagtatrabahong mabuti at  nag-iipon para sa future. Pero kung tatanungin siya ni Rodjun, ready naman daw siya anytime na mag-settle-down.”

When asked kung hindi ba siya naiinip kay Rodjun?
“Hindi naman po,” mabilis niyang sagot.
Pero inamin ni Diane na medyo pressured lang din siya given her age.

Aniya, “I’m 30. Nagkuwentuhan nga kami ni Bea (Alonzo) sa “A Love To Last,” sabi  niya, wala pa ba  kasi  I think nakakuwentuhan niya si Rodjun at excited daw siya na ten years na, sabi niya ‘oy ang tagal niyo na’. Sagot ko nga, wala pa nga, wala pa talaga,” chika ni Dianne.

Sey naman ni Rodjun, wag daw mag-alaala dahil sunud-sunurin daw niya na magkaroon sila ng anak pag ikinasal raw sila.

Sa isang banda, perehong okey sa dalawa ang advocacy kung paano kumita ng malaki ang mga netizens. ‘Yung matulungan ang ibang tao na magkaroon ng income na walang ilalabas na  sobrang capital.

Magre-refer ka lang nga lang na mag-shop online sa Success Mall ay  meron kang incentives na matatanggap basta’t naka-register ka sa free account.  

Magre-refer nga raw si Dianne sa Success Mall.

Aniya, “Yes, wala namang problema since business minded din naman ako.”

Ang Success Mall ay pinapamahalaan ni John Calub, Philippines’ number one success coach takes on the e-commerce scene na naglunsad ng bagong tech start-up company na www.successmall.biz, ang kauna-unahang “WORD-OF-MOUSE” shopping community sa bansa. Ang mga produkto na bibilhin dito ay discounted.

On-going din ang kanilang pa-Mr. & Ms. Internet na mga social media influencers. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments