Robin o Coco? Daniel Padilla, nakipagbakbakan sa ‘La Luna Sangre’

0
77



Brusko at pilyo, pero kengkoy at may malaking puso. 

Iyan ang karakter na ginagampanan ng heartthrob na si Daniel Padilla sa “La Luna Sangre.”

Nitong Lunes ng gabi, ipinakilala ang karakter ni Padilla na si Tristan, isa sa mga bida ng teleserye. 

Tulad ni Cardo (Coco Martin) ng “Ang Probinsyano,” isa ring jeepney driver si Tristan. Mabait sa mga pasahero, pero malupit sa mga magnanakaw at snatcher. 

Nang ma-holdap ang kanyang minamanehong jeepney, walang pagdadalawang isip na sumabak sa habulan na nauwi sa bakbakan ang batang tsuper. 

Kahit pa nag-iisa lamang ito, at dehado sa dami ng mga kalaban, hindi siya nagpatinag. Marami tuloy ang nakapansin na mala-Robin Padilla ang galawan ni Tristan. 

Pero, siyempre, mas marami pa rin ang kinilig dahil, sa wakas, muli na nilang mapapanood sa telebisyon ang kanilang crush. 

Panoorin ang mga eksena: 

Mapapanood ang “La Luna Sangre” tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng “Ang Probinsyano.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments