‘RIGHT PATH’ ANG TAHAK NG QCPD

0
83


DATI, ang pulis ay nirerespeto, kabaligtaran ngayon na kinatatakutan dahil sa nangyayaring krimen na mga pulis ang sangkot at pasimuno.

Kung bakit naging palasak na ang involvement sa krimen ng mga pulis, ito’y dahil na rin sa kapabayaan ng nakaraang PNP leaderships.

Mabuti na lamang at dumating ang isang Pangulong Duterte na ang matinding political will ay naging inspirasyon ng kasalukuyang liderato ng PNP.

Sa panahon ni Gen. Bato, unti-unting nababalik ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan dahil sa pinaiiral na disiplina sa mga miyembro nito.

Isang halimbawa na nagpapakita ng pagbabalik sa dating kaaya-ayang kultura ng mga pulis ay ang Quezon City Police District.

Klaro na ang paglilinis ngayon ni C/Supt. Guillermo Eleazar sa QCPD sa mga bulok na member nito ay patungo sa dating maayos na kulturang pulis.

Mula nang maitalaga sa puwesto isang taon na ang nakararaan, daan na ang bilang ng opisyal at miyembro nito ang sinibak ni Gen. Eleazar.

Noong Hunyo 4, 2017 ay ipinag-utos ng butihing heneral ang entrapment operation sa traffic police investigator na si PO3 Fernando Tanghay.

Si PO3 Tanghay ay nadakip makaraang tanggapin ang pitong tig-isang libong piso mula sa isang motorista na kanyang kinotongan.

Agad siyang isinalang sa inquest proceeding para sa kasong robbery-extortion.

Bukod sa reklamong kriminal, mahaharap din siya sa kasong administratibo.

Kumbaga, tinatahak ng pamunuan ng QCPD ang tatawagin nating ‘right path’ para manumbalik ang respeto at tiwala ng mamamayan sa kapulisan.

Ang prosesong ito na paglilinis ng QCPD sa sariling hanay ay walang pinagkaiba sa tinatawag na “transplant” na masakit na proseso ng gamutan.

Ika nga ni Gen. Eleazar, masakit man na proseso ang paglilinis sa sariling bakod, ito ang maituturing na “call of the time” para ang tinatawag na “call of duty” ay mas magampanan nang maayos.

Ganyan dapat ang panuntunan ng iba pang opisyal ng PNP. Kahit kabaro, basta nagkasala, dapat din itong managot.

Gaya ng palagi nating sinasabi, maging totoo lang ang kapulisan, tiyak na makakamit ang pinangangarap na Singapore-like-Philippines. CHOKEPOINT/BONG PADUA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments