RESTO BAR NA FRONT NG MINOR PROSTI TULOY PA RIN

0
54


MULI nating bigyan ng pansin itong text message na ipinadala sa atin ng ating tipster sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Nagpapasalamat siya dahil sa walang-humpay na ginagawa nating pagbanat sa mga naglipanang resto bar sa nasabing bayan sa patuloy na operasyon ng may kailigalan.

Hindi pa rin daw tumitigil ang mga resto bar dito sa kanilang pagkaladkad sa putikan sa mga menor-de-edad na kababaihan na nagtatrabaho sa kanila sa nasabing bayan.

Pero hanggang ngayon ay tiklop pa rin ang bibig o misteryosong nananahimik si San Leonardo Chief of Police Capt. Ranie Casilla sa hindi natin malamang kadahilanan.

Bakit nga ba tikom ang bibig at sobrang tahimik si hepe?

Magkano, ahe, ano nga ang dahilan?

Basahin natin ang text message muli ng ating impormante.

Magandang umaga Sir idol.

Masayang-masaya na naman kami sa nabasa namin na patuloy ninyong pagbubulgar ng kalaswaan na ginagawa ng mga Resto Bar dito sa bayan ng San Leonardo sa Nueva Ecija.

Sana naman makonsensiya na ‘yung mga “utak ng mga demonyong nagpapatakbo” o mga kakosa ng mga resto bar na ‘yan, mula sa barangay kapitan, pulis, chief of police, hanggang sa mayor…kung hindi kikilos itong huli.

Tila magkakakutsaba sila sa pagkamal ng pera mula sa kaawa-awang maraming menor na nalululong na sa pagiging pokpok at puta.

Balita pa namin, pinagda-drugs sila bago sila magsimula sa kanilang trabaho.

Sir idol, sana ay huwag ninyong tantanan ang ginagawa ninyong pag-upak sa mga hudas na mga resto bar owner dahil sila ‘yung mga kumakaladkad sa mga menor sa putikan para maging mga pokpok at puta hanggang sa masira ang kanilang kinabukasan.

Salamat po.

SAKLAAN NA LANG HINDI PA MABUWAG

Kabi-kabila pa rin ang operasyon ng mga saklaan sa lalawigan ng Cavite na kung saan ay dinededma lamang ng mga pulis dahil sa magaling na maglangis itong si alyas Erick.

Kanino kaya naglalangis itong si Erick, PD Supt. Arthur Bisnar, kaya untouchable ang saklaan nito sa Cavite City?

Ano po ang masasabi ninyo, Col. Bisnar?

Pabulong naman, sir, kung kanino. Heheheeee!

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments