Relasyon kay John Lloyd ok sa ex ni Ellen

0
20


Matipid pa rin si Raymund Romualdez sa pagsasalita tungkol sa nakaraan nila nina Gwen Zamora at Ellen Adarna. Nang tanungin namin siya tungkol kay Gwen, siya na mismo ang nagsabi na, “‘Di ba kasal na siya?”

Oo nga naman, dahil sa IG posts nga ni Gwen ay nagpahiwatig na siya na may asawa na nga siya.

Pagdating naman kay Ellen, siya rin mismo ang nagsabi na masaya siya para dito at kay John Lloyd Cruz. Wala na siyang gaanong sinabi pa tungkol sa ‘relasyon’ tungkol sa dalawa nga­yon.

Samantala, idinenay ng stepson ni Ma­yor Cristina Gonzales Romualdez na dyowa niya ang Bb. Pilipinas 2017 candidate na si Patricia Asturia. Magkaibigan lang daw sila dahil pareho silang taga-Tacloban.

After Gwen and ­Ellen, wala pa siyang ibang showbiz crush na halatang walang kahilig-hilig sa showbiz kahit marami ang nag-e-­encourage sa kanya na subukan ito.

Atak nagparamdam na sa socmed

Nagparamdam na si Atak Araña sa social media matapos ang tatlong linggong pana­nahimik mula nang siya ay makalabas sa kulungan at makasuhan ng acts of lasciviousness. Dahil sa diumano ay pang­hihipo niya at panghahalik sa isang Christian Macavinta, isang bell attendant sa Okada Manila noong madaling-araw ng October 23.

Walang mensahe tungkol sa insidenteng kinasangkutan niya si Atak o anuman tungkol sa progreso ng kanyang kaso, kundi pasasalamat lamang sa Poong Maykapal sa pag-asa, proteksiyon at wisdom na ibinigay sa kanya.

Bukod sa selfie niya, isang Christmas tree at ang alaga niyang aso na si Lucky ang pinost niya sa kanyang social media account.

Sa ngayon, tahimik din ang kampo ni Christian at mukhang naghihintay lang ito sa mga susunod na kaganapan sa kasong isinampa niya at wala itong pahiwatig kung ipapaa­reglo na lamang niya ito o hindi.

Abangan na lang, huh!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments