RAPE IS NEVER A JOKE!

0
63


Kinuyog ng batikos ng mga pangunahing personalidad mula lokal at abroad si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa umano’y rape joke nito sa harap ng mga sundalo sa Iligan City kamakalawa matapos magdeklara ng Martial Law ang huli sa buong Mindanao bunsod ng naganap na Marawi siege.

Kabilang sa bumatikos sa Pangulo sina Chelsea Clinton, anak ni dating US President Bill Clinton, Senators Risa Hontiveros, Francis Pangi­linan, Antonio Trillanes at Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus.

Tahasang tinawag ni Chelsea Clinton, na dati ring broadcaster si Pa­ngulong Duterte na isang “berdugo” o malupit na mamamatay tao at walang respeto sa ‘human rights’.

Kasabay nito, binatikos rin ni Chelsea si Duterte dahil sa ginawa nitong ‘rape joke’ sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Iligan City.

“Duterte is a murderous thug with no regard for human rights. It’s important to keep pointing that out & that rape is never a joke,” pahayag ni Chelsea sa kanyang Twitter account bilang reaksyon sa nabasang news report kaugnay sa mga pahayag ni Duterte.

Ang naturang tweet ni Chelsea ay nilagyan niya ng title na “Not funny. Ever.”

Matatandaan na sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa mga sundalo na “Trabaho lang kayo. Ako na bahala. Ako na magpakulong sa inyo. Kapag naka-rape ka ng tatlo, aminin ko na akin ‘yun. ‘Pag nag-asawa ka ng pang-apat, bugbugin ka I will go to jail for you.”

It’s not a joke

Umani rin ng batikos mula sa Gabriela, ang naturang rape joke ni Pangulong Duterte na hindi natawa sa kanyang tinuran.

Ayon kay Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, bilang Pangulo ng bansa ay dapat ang unang pinangangalagaan ni Pangulong Duterte ay ang interes at proteksyon ng mga kababaihan laban sa mga pang-aabuso lalo sa gitna ng idineklarang Martial Law subalit sa kanyang pahayag ay lalo nitong inilagay sa kapahamakan ang mga kababaihan.

“Rape is not a joke. Martial Law and the heightened vulnerability to military abuse that it brings to women and children are not a joke either. President Duterte must be reminded that a rape joke made even as women and children’s lives are in great danger and when liberties and basic rights are being attacked is the height of insensitivity,” pahayag ni De Jesus.

Aniya, ang pahayag ni Pangulong Duterte ay para lamang ma-please ang mga sundalo kahit pa man isangkalan pa nito ang mga kababaihan.

Hindi rin pinalampas ni Senador Hontiveros na kondenahin si Pangulong Duterte bunsod sa nasabing rape joke.

Ayon sa senador, para gawing joke o biro ang rape ay isa umanong pag­labag sa “violation of the Bill of Rights”.

“Again, rape is not a joke. Rape is a crime. Rape is a violation of the Bill of Rights which is not suspended by Martial Law. Rape is not a joke,” ayon kay Hontiveros sa isang statement.

‘Wag idamay ang AFP

Sa panig ni Trillanes, nanawagan ito sa Pangu­lo na huwag na umano nitong idamay ang AFP sa mga kalokohan nito dahil mga propesyunal umano ngayon ang AFP.

“`Wag na sana n’ya idamay ang AFP sa mga kagaguhan n’ya. Very professional na ang AFP ngayon,” ayon kay Trillanes kasabay ng pagsasabing, “Let me remind him that he won’t be in power forever. I am sure that he would be made to answer for all of his evil deeds the very second he steps out of office.”

Sinabi naman ni Pa­ngilinan, “Even as a joke it is unacceptable for anyone to joke about rape, more so coming from the Commander in Chief. He should apologize for the offensive remark,” ayon kay Pangilinan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments