Rachel nagbanta ng ‘paandar’ sa Miss U sa Las Vegas

0
24


Maluha-luha ang ating Bb. Pilipinas-Universe­ 2017 na si Rachel Peter­s dahil sa mga mensahe sa kanya ng kapwa beauty queens lalong-lalo na ang mul­a sa dalawang Bb. Pilipinas titlists­ na kakapanalo pa lang sa Miss Globe 2017 at Ms. Grand Internationa­l 2017.

Sa send-off party para sa kanya at ibang lalaban sa ibang international competitions at homecoming party­ kina Ms. Globe 2017 1st runner up na si Nelda Ibe at Ms. Grand International 2017 2nd runner up Elizabeth Clenci, naging emosyonal ang ating pambato sa Miss U 2017 na aalis na sa Sabado papun­tang Las Vegas.

Hindi raw niya iniisip ang pressure dahil siya talaga ang inaabangan ng lahat na manalo, kung di mas tinututukan niya ang preparasyon niya – mentally, physically and emotionally.

Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung sino ang pinakamahigpit niyang kalaban, pero aminado si Rachel na gumawa na rin siya ng sarili niyang ‘imbestigasyon’ sa profiles ng ilang mga kandidata.

Hindi nga lang niya sinabi kung ito ba ay mga kandidata ng Colombia­, Thailand, USA o Venezuela na usually­ ay early faves sa grandest international beauty pageant na ito.

Sa mga nagtatanong sa kanya kung bakit hindi siya gaanong nag-iingay sa social media katulad daw ng Miss Thailand, ayon­ sa kanya, ang pagiging tahimik niya habang wala pa siya sa Las Vega­s ay isang strategy­ para lalong ma-curious ang mundo kung sino ang ipapadala ng most-feared country pagdating­ sa rampahang ito.

At kapag nasa USA na siya, pabiro niyang sinab­i na doon na ­siya magpapaandar at makikipagkabugan, noh!

Oo nga naman! Bonggacious, devah? 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments