Rachel, kulang daw sa aura | Tempo

0
16


By Dante A. Lagana

MAAGANG natapos ang pagsabak ni Miss Philippines Rachel Peters na umabot lamang sa Top 10 ng Miss Universe 2017 sa Las Vegas kamakailan, at dahil dito, muling lumabas na malas daw talaga kapag may Filipino judge sa naturang beauty pageant.

One of the judges during the pageant is our very own Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

Rachel Peters (AFP)

Ang pagkatalo raw ni Rachel ay parang nagsasabing kapag may Filipino judge sa Miss Universe – huwag ka na raw umasang mananalo si Miss Philippines.

Tutok ang mga Pinoy sa nakaraang Miss Universe maging sa mismong venue ng event, hindi magkamayaw sa kakacheer at kakasigaw ang mga Pinoy na ikinatuwa ni Rachel at pinasalamatan niya.

Hindi rin biro ang lumaban sa ganoong prestigious beauty pageant na maraming taong nanonood bukod pa na pinapanood sa buong mundo.

May mga nadismaya sa hindi pagpasok ni Rachel sa Top 5 at nagbunga ito ng mga samut-saring reaksyon at haka-haka kung bakit hindi pinalad si Rachel.

Mga ilang comment sa Instagram ng powerhouseph_:

– loveyloveky, “Mas magaling pa umawra jamaica sa kanya ayan pasok top three.”

– vhickaiii, “Ang lamya ng dating. Full smile lang and kembot. Walang fierceness. Sana um-emote kahet konte.”

– aeondale, “sobrang nakakahina, huhu well deserve eh anyare? Huhu.”

– my_babysam, “Ang ganda ni rachel. Pati gown very nice.”

– iamsweetcherry@itsmorefuninbicol, “sayang na sayang si rachel. She has all the assets of being a ms uni pero me kulang tlaga eh😌…but still we know that she prepared naman tlaga and it shows.”

Pati ‘yung video clip ni Rachel Peters napansin at nagcomment din ang mga netizens:

– chantalikimkim@vhickaiii, “i agree to..piro ang nag pa laglag sa kanya yung video clip niya.

– pinoy_warrior2, “Totga with USA. Haiisst hindi lagi saten ang korona. Still proud of her ❤ at may nagsuggest pa sa KF camp gaya nito itsmorefuninbicol Dapat isama sa KF training ang How to Flirt with the Camera 101
Sa mga naging ng mga netizens sa social media nagpapatunay lang ang malaking panghihinayang na hindi nasungkit ang korona ng ating pambatong may angking kagandahan at tindig ng Binibining Pilipinas Universe at Top 10 Miss Universe 2017 Rachel Peters.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/11/29/rachel-kulang-daw-sa-aura/">





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments