PVL: WARRIORS DUMALAWA –

0
55


Napasirko sina Jamenea Ferrer (12) at Jorella Marie de Jesus ng Banko Perlas Spikers kontra Pocari Sweat sa kanilang elims match kahapon sa PVL Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Wagi ang Lady Warriors sa Perlas, 25-21, 22-25, 25-19, 27-25. (Jhay Jalbuna)

Mga laro sa Sabado:
(Filoil Flying V Center, San Juan)
4:00 p.m. – UP vs. BaliPure
6:30 p.m. – Pocari Sweat vs. Power Sma­shers

Humugot ng lakas ang defending champion Pocari Sweat kay power hitter Myla Pablo upang pataubin sa apat na sets ang Banko-Perlas, 25-21, 22-25, 25-19, 27-25 kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Kumayod si Pablo ng 23 points kasama ang 22 spikes upang ilista ang 2-0 karta at manatiling nasa unahan ng team standings.

Matapos ang 25-21 panalo sa first frame, natisod ang three-time champions Lady Warriors sa second set bago kinalawit ang sets 3 at 4.

“Nara-rattle yung depensa, nag-focus sila sa opensa at nakakalimutan nila mag-adjust,” hayag ni Pocari Sweat coach, Rico de Guzman.

Pumalag ang Perlas sa fourth matapos maki­pagsabayan at pahirapan ang Lady Warriors subalit kinapos pa rin sila kaya nalasap nila ang pangalawang sunod na talo.

“Sabi ko sa kanila tulungan din nila si Myla, (Pablo) para hindi mapuwersa,” dagdag ni De Guzman.

Bumakas si Maricar Nepomuceno ng 14 puntos habang may 13 at 11 sina Jeanette Panaga at Elaine Kasilag ayon sa pagkakasunod.

Si Jorella De Jesus ang namuno sa opensa para sa Perlas na may kinanang 14 markers, habang nag-ambag sina Suzanne Roces at Amanda Villanueva ng tig-12 at 11 pts.

Tulad sa Perlas, napahirapan din ang Lady Warriors sa kanilang u­nang panalo laban sa University of the Philippines noong Linggo.

Samantala, sunod na haharapin ang Pocari sweat ang Power Smashers sa Sabado sa parehong lugar. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments