PVL: Red Spikers balik ang angas

0
56


Nanumbalik ang bangis ng San Beda College nang sakmalin ang College of Saint Benilde 25-21, 25-20, 17-25, 25-22 kahapon sa Group B ng inaugural Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si Cesca Racraquin ng 15 points mula sa 12 attacks, two service aces at kill block kasama ang 22 digs at 16 excellent receptions para sa Mendiola-based squad Lady Red Spikers na umangat sa 2-1 karta.

Kapareho ng baraha ng San Beda ang reigning NCAA titlist Arellano University.

Nakabawi ang Lady Red Spikers sa Lady Blazers na tumalo sa kanila sa stepladder semi­finals sa NCAA Season 92.

“Malaking bagay para sa amin ang pa­nalo kasi sila ang No. 3 sa NCAA,” ani Beda coach Nemesio Gavino Jr. “Magandang motivation para sa amin na naki­ta namin na may chance na talunin namin talaga sila (sa NCAA).”

Bumira si Nieza Viray ng 12 markers para sa San Beda, nag-ambag sina Satriani Espiritu at Trisha Paras ng pinagsamang 16 markers.

Sunod na makakalaban ng San Beda ang UAAP team UP sa Sept. 23.

Hawak ng Lady Red Spikers ang 23-19 sa fourth set, medyo kumikig ng konti ang Lady Blazers para idikit ang iskor sa 21-23 pero hanggang doon na lang.

Tumikada si Ranya Musa ng 21 points, may 12 si Maritess Pablo sa CSB.

Naglista ang Blazers ng 15 blocks, eight dito mula kay Musa.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments