PVL: Pocari minarkahan ng Creamline

0
192


Mga laro ngayon:
(The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — Air Force vs BaliPure
6:30 p.m. — UP vs Adamson

Minarkahan ng Creamline ang defending champion ng ekis matapos hatawin ang 25-15, 17-25, 25-19, 25-19 panalo kahapon sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Arena sa San Juan.

Nakipagtagisan ng tikas si Cool Smashers star Alyssa Valdez kay Lady Warriors top hitter Myla Pablo, sa bandang huli nanaig ang tropa ni former Queen Eagle at three-time UAAP Most ­Valuable Player. 

Dahil sa panalo, naiwan sa top spot ng team standings ang Creamline pasan ang malinis­ na apat na panalo habang semplang sa second ang three-time cham­pions Lady Warriors kasama ang 3-1 card.

Nangalabaw si nationa­l team member Valdez ng 30 puntos mula sa 27 attacks at tatlong service aces habang sina Pau Soriano at Rosemarie Vargas ay nag-ambag ng tig 15 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Malaking bagay ang panalo para sa Cool Smashers dahil nakatakdang tumungo ni Valdez sa Japan para sa training camp ng Philippine Team.

“I guess ‘yung mindset ng players is really to win kasi baka next games wala na si Alyssa,” saad ni Creamline assistant coach Oliver Almadro. “It’s a team effort talaga.”

Dalawang puntos lang si former Ateneo Lady eagles top setter Jia Morado pero nagtala naman ito ng 50 excellent sets para sa Cool Smashers.

Impresibo ang mga numero ni Reinforced Conference MVP Pablo,­ nirehistro nito ang 26 pts. kasama ang 22 spikes at tigalawang service aces at blocks subalit hindi sumapat para itaguyod sa panalo­ ang Pocari Sweat. 

Nakakuha ng tulong sa opensa si Pablo kina Jeanette Panaga at Elaine Kasilag na may tig-11 at siyam na puntos.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments