PVL: BALIPURE-POCARI SWEAT FINALE –

0
58


Isinaayos ng BaliPure at Pocari Sweat ang championship series matapos ang magkahiwalay na panalo kahapon sa 2017 Premier ­Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ang unang finals berth ay sinelyuhan ng BaliPure nang walisin sa tatlong sets ang Creamline, 25-18, 25-13, 25-16.

Sinundan ng straight sets win din ng Pocari Sweat kontra Power Smashers, 25-19, 25-22, 25-21.

Dahil do-or-die semis, umaasa ang mga fans na magiging dikdikan ang labanan subalit hindi nangyari iyon dahil naging easy win para sa Water Defenders ang laro.

Naging bentahe ng BaliPure ang kanilang height upang payukuin ang Cool Smashers na naging matamlay ang opensa sa buong laban.

“Sabi ko sa mga bata na isipin nilang championship game ito at ibigay ang lahat para manalo,” wika ni BaliPure head coach Roger Gorayeb. “Hindi ko ine-expect na sweep ang laban,”.

Nagtala sina skipper Grethcel Soltones at import Jennifer Keddy ng tig 13 points habang may pinagsamang 20 puntos sina Thai ­reinforcement Jeng Bualee at Risa Sato para sa Water Defenders.

Tumipa si Thai import Kaewpin Kuttika ng 14 markers habang 13 ang kinana ni Alyssa Valdez para sa Creamline na makikipag­hatawan para sa third place.

Nanaig ang Water Defenders sa Game 1 bago tumukod sa Game 2 kaya nagkaroon ng rubbermatch.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments