PVL: BaliPure, Pocari Sweat dumikit sa finals

0
66


Tinangkang i-block ni Alyssa Valdez ng Creamline ang spike shot ni BaliPure import Jennifer Keddy sa Game One ng kanilang best-of-three semis series ng Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan. Wagi ang BaliPure, 22-25, 25-23, 25-14, 25-21. (Jay Jalbuna)

Mga laro sa Martes:
(PhilSports Arena)
4 :00 p.m. – Pocari Sweat vs Power Smashers
6:30 p.m. – Creamline vs BaliPure

Apat na sets ang kinamada ng BaliPure upang payukuin ang Creamline, 22-25, 25-23, 25-14, 25-21, kahapon sa best-of-three semifinals ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena, San Juan. Habang nakauna na rin ang No. 2 team Pocari Sweat kontra Power Smashers sa five-set thriller, 25-23, 25-19, 23-25, 22-25, 15-12 sa isa pang semis match.

Lumabas ang angas ng Water Defenders matapos matisod sa first set, hinarbes ang tatlong natitirang frames upang itarak ang 1-0 series lead at mamuro sa best-of-three finals.

Lubog sa pitong puntos sa fourth set, 17-24, pinilit ng Cool Smashers na pahabain ang kanilang hininga matapos kumadena ng apat na sunod na puntos, 21-24 subalit hindi pumayag ang BaliPure na mabigyan pa ng momentum ang kalaban, nilaglag ni Aiko Urdas ang bola para selyuhan ang panalo ng Water Defenders.

Nagsanib puwersa sina American import Jennifer Keddy, three-time NCAA MVP Grethcel Soltones at Risa Sato upang bitbitin ang preliminary round top seed BaliPure.

Tumikada si Keddy ng 24 points, mula sa 13 kills, anim na service aces at limang blocks habang 13 at 11 markers ang inambag nina Sato at Soltones.

Namuno sa opensa para sa Cool Smashers si Thai import Kuttika Kaewpin na may 16 puntos habang 12 ang kinana ni Alyssa Valdez.

Sa Martes ang game 2 na gaganapin sa PhilSports Arena sa Pasig City, puwede tapusin ng Water Defenders at ng Lady Warriors ang serye. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments