PSL: Foton sasandal kay Santiago

0
64


Mga laro ngayon::
(The Arena, San Juan)
3:00 p.m. — F2 Logistics vs Cignal
5:00 p.m. — Petron vs Sta. Lucia
7:00 p.m. — Foton vs Cocolife

Muling sasandalan ng Foton si Jaja Santiago upang sikwatin ang pa­ngatlong sunod na panalo at manatiling nasa tuktok ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.

Tangan ang 2-0 karta, haharapin ng Tornadoes ang Cocolife sa alas-siete ng gabi sa FilOil Flying V Arena, San Juan.

Impresibo ang inilaro ni 6-foot-5 star Santiago sa huli nilang laban, kumana ito ng 35 points para tumbukin sa apat na sets ang Generika-Ayala, 25-20, 25-23, 23-25, 25-15 noong Sabado.

“Jaja (Santiago) is an important player for us in this All-Filipino,” saad ni Foton coach Moro Branislav. “I’m glad Jaja is there to help us pull it through.”

Para kay Santiago masaya siya sa naging laro niya laban sa Lifesavers subalit inamin nito na kulang pa.”

“Masaya ako at nakakapaglaro na ako ng maayos pero para sa akin kulang pa,” ani Santiago.

Magbabanatan sa unang sultada ang defen­ding champion F2 Logistics at Cignal, (3 p.m.) habang magkatapat ang Petron at Sta. Lucia sa pangalawang laro sa alas-singko ng hapon.

Hindi masyadong pinaglaro ni Serbian coach Branislav si Santiago sa unang laro nito upang makapaghinga.

Bago nagsimula ang All-Filipino conference, naglaro si Santiago sa Rebisco-PSL Manila na sumabak sa Asian Wo­men’s Club Championship sa Kazakhstan.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments