PSC-PSI at KISS partner na

0
18


Nakipag-partner ang Philippine Sports Institute (PSI) ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Korea Institute of Sports Science (KISS) para sa dalawang araw na PSI-KISS-UNESCO Sports Science Lecture Series II sa Multi-purpose hall ng Philsports sa Pasig City.

Kabuuang 60 national coach mula sa iba’t ibang national sports association (NSA) ang nakilahok sa sports seminar na pinangasiwaan ng senior officer at sports science researchers ng KISS.

Nakibahagi sa talakayan si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kasabay ang pasasalamat sa delegasyon ng KISS sa opening program ng Lecture Series II.

“Para sa inyo ito (coaches). Kailangan ang patuloy na pag-aaral. ‘Yun mga natutunan ninyo ‘yan naman ang pakikinabangan ng mga atleta at mga bagong henerasyon ng coaches,” sambit ni Ramirez.

Iginiit naman ni Dr. Yong Koo-Noh, KISS Senior Researcher, na handa ang kanilang ahensiya na makatulong sa Pilipinas, gayundin ang mapalawig ang ugnayan ng dalawang bansa para sa layuning mapataas ang kalidad ng sports competitiveness ng mga atleta.

Ang dalawang araw na sports science seminar na nagtapos kahapon ay tumuon sa Sports Physiology (lecture and practicum), Sports Psychology (lecture) at Sports Policy (lecture).

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng seminar/lecture ang mga opisyal ng KISS. Nauna silang nagbigay ng edukasyon sa local coaches noong Disyembre 2016.

Kabilang sa KISS delegates sina Senior Researchers Dr. Noh at Hong-Sun Song; Researchers Hyun-Joo Cho at Seung-Hyun Hwang at Eon-Ho Kim, ga­yundin sina Directors Ik-Whan Kim at Joo-Phil Kim.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments