Pres. Digong naawa lang kay Tolentino

0
32


 

HALATANG naawa si Pres. Rodrigo R. Duterte kaya kahit titulo man lamang ay napilitan siyang bigyan si Atty. Francis Tolentino, ang dating chairman na itinalaga ni P-Noy sa Metro Manila Deve-lopment Authority (MMDA).

Kung ‘di ba naman sadyang maawain si beloved Pres. Digong ay titulong political adviser pa ang napiling isabit na karatula sa leeg ni Tolentino.

Pamagat lamang ang ibinigay ng pangulo kay Tolentino at wala namang mahalagang papel na gagampanan at responsibilidad na pananagutan sa pamahalaan.

Maawain pero matalino si Pres. Digong dahil alam niya na imposible nang makasuhan ng katiwalian si Tolentino sa pagiging political adviser kung wala namang pondo ng pamahalaan na hahawakan tulad sa MMDA.

Sa MMDA kasi ay may malaking pondo para sa flood control projects na ayon kay kasaluku-yang chairman Gen. Danilo Lim ay may mga ano-malya sa nakaraan na kanyang pinaiimbestiga-han.

Pero maituturing na very influential ang isang political adviser kung gagamitin sa kalokohan, tulad ng BFF ni Sen. Risa Honti-virus, este, Hontiveros pala na si Ronald Llamas noong nakaraang administrasyon.

Natatawa lang ang marami dahil pati sa pagtatalaga ay parang nagbibiro si Pres. Digong kahit seryoso.

Sa dinami-rami kasi ng karatula ay titulong political adviser pa ang napili ni Pres. Digong na isabit kay Tolentino na natalo sa pagtakbong senador noong 2016 elections.

Ang political adviser siguro ay ‘yung mahusay sa politika at kayang ipanalo ang kanyang sarili.

Paano nga naman makapagpapayo si Tolentino kay Pres. Digong na nanalo kung siya mismo ay talunan, tulad ni dating Manila vice mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso?

In fairness, talaga lang sigurong naaawa si Pres. Digong at nais niyang makabangon sa pagkatalo si Tolentino kung muling tatakbo bilang senador sa susunod na 2019 mid-term election.

Hindi nga lang maiaalis na matawa ang publiko.

Gayonman ay hindi ako naniniwalang ibinase ang pagkakabigay ng titulo kay Tolentino sa kati-ting na pondong naibigay umano niya sa kampanya ni Pres. Digong.

Kahit wala ang pondo na sinasabing galing kay Tolentino ay sigu-rado na natin ang panalo ni Pres. Digong noong umpisa pa lang ng kampanya.

Bilang pruweba na balewala ang abuloy ni Tolentino, higit na mas malaking halaga ng pondo ang hindi naga-mit ni Pres. Digong pagkatapos ng eleksi-yon, batay sa ulat.

Katunayan pa, maraming appointee ang naitalaga sa puwesto kahit hindi naman kilalang personal ni Pres. Digong dahil sadyang madali siyang magtiwala.

Ang masaklap lang, may ilang nakapaligid sa pangulo ang sinasamantala ang kanyang kabaitan at pati ilan sa mga gumanap ng mahahalagang papel sa demolition job laban sa kanya mula sa kampo ng kalaban ay nabigyan ng puwesto sa kasalukuyang administrasyon.

Itinuturing daw ng Palasyo na kaalyado si Tolentino na sabit lang sa tiket ni Pres. Digong noong 2016 Presidential elections.

Si Tolentino ay kabilang sana sa line-up na pambato ng tropang dilawan nina PNoy at Mar Roxas. Napilitang ilaglag si Tolentino ng mga dati niyang amo sa Liberal Party kasunod ng “Playgirls” scandal sa isang political gathering sa Laguna noong 2015.

Kumalat sa social media ang video habang nagsasayaw nang nakapatong at mistulang naki-kipag-sex ang Playgirls sa ilang local candidates ng LP.

Bagama’t ikinaila ni Tolentino na siya ang umupa sa mga kababaihan ay humingi siya ng dispensa sa hindi niya pag-awat habang ginagawa ang malalaswang tagpo bilang opisyal pa man din ng pamahalaan.

Si Tolentino, ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) report, ang isa sa top spender na senatorial candidates na umabot sa P200 million ang nagasta sa kampanya para sa 2016 election.

Nakapagtataka ito dahil idineklara ni Tolentino na P67.2 million sa nabanggit na halaga ay ga-ling sa kanyang personal na pondo, ‘di hamak na mas mataas kaysa P41.9 million na nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2012 hanggang 2014.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments