PRANGKAHAN: Manloloko na, bastos pa

0
56


Bakit kaya mahilig si Pangulong Duterte sa ideya ng rape o panggagahasa?

Umandar na naman ang pagka-­bastos niya noong Biyernes sa Davao City sa harap pa ang mga ambassador ng iba’t ibang bansa. Kunektado pa naman sa turismo ang okasyon.

Ito ang sinabi niya sa ­English: “What I don’t like are kids ­(being raped.) You can mess with, ­maybe Miss Universe. Maybe I will even congratulate you for having the balls to rape somebody when you know you are going to die.”

Ayaw daw niyang ang mga bata ang nare-rape. Pero okay lang ang mga may edad na katulad ng Miss Universe. ­‘I-congratulate pa kita dahil may bayag ka na mag-rape na alam mo papatayin ka,” sabi niya.

Nakakasuka talaga ang ganitong pag-iisip. Pangulo pa ng bansa.

Ang rape ay rape. Kahit anong edad  bata, may edad, matanda, babae man o lalaki  nakakapang-hilakbot ‘yan. ­Hindi ‘yan dapat mangyari kahit kanino.

Akala niya yata nakakadagdag ng pagkalalaki ang manggahasa. Despalinghado talaga ang pag-iisip.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya sa ­publiko na ginagawang kakatawanan ang rape.

‘Di ba noong kampanya, ikinuwento niya ang tungkol sa riot sa kulungan sa Davao City noong 1989 kung saan gina­hasa at pinatay ang isang Australyana na misyunarya. Sabi niya, napakaganda daw ng misyunarya.” Naisip ko, “sabi niya, dapat si mayor ang nauna.”

Mayor kasi si Duterte ng Davao ng maraming taon bago naging presidente.

Ipinagyabang din ni Duterte na naisahan niya ang ­kanyang paaralan, Lyceum University.

Hindi daw siya maka-­graduate dahil hindi niya natapos ang kanyang Reserve Officer’ ­Training Corps (ROTC). Ang exempted lang daw ay yung may TB (tuberculosis) at may kapansanan.

Pumunta daw siya sa San Lazaro at kinausap ang isang pasyente na magpa-X-Ray gamit ang kanyang pangalan. Binayaran daw niya ng isang libong piso.

Kaya naka-graduate siya na hindi siya kumuha ng ROTC. (Natanggal na ang ROTC bilang requirement ngunit ibina­balik niya sa senior high school.)

Naka-isa siya sa kanyang paaralan at ibinida niya. ­Manloloko siya. Anong klaseng tao itong presidente ng Pilipinas. Nakakahiya.

***

Blog:www.ellentordesillas.com
E-mail:ellentordesillas@gmail.com



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments