PRANGKAHAN: Malayo sa katotohanan ang DOT ad

0
76


Mabuti naman at kinansela ng Department of Tourism ang bago nilang para ibenta ang Pilipinas sa ibang bansa. Malayo naman sa katotohanan ang na ‘yun.

Ang rason sa pagkansela ay nabuking nila ang ad agency na McCann World group na halos pareho pala ng ng South Africa na ginawa rin ng McCann. Parang binigyan ka ng segunda manong produkto samantalang ang binayaran mo ay para sa bago, first hand.

Ang na ginawa ng McCann para sa DOT sa ilalim ng bagong slogan na “Experience Philippines (pinalitan na ang “It’s more fun in the Philippines”) ay pinamagatang “Sights” o may kinalaman sa nakikita. Bahagi lang daw ‘yun ng promosyon nilang ang budget ay P650-million

Pinapakita ang ganda ng Pilipinas na dinadama ng isang lalaking may edad na. Sa huli pinakita na bulag pala ang lalaki.

Sabi ng McCann, Hapon daw ang lalaki at bulag talaga at dito na nga sa Pilipinas nag-retire.

Parang sinasabi ng na ang bansang Pilipinas ay maganda puntahan kahit ikaw ay may kapansanan. Malaking kasinungalingan.

Kawawa lang ang may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs) na maniniwala sa na ‘yun dahil ang mga lugar pampubliko ng Pilipinas ay hindi mabait para sa mga may kapansanan.

Wala nga tayong maayos na sidewalk. Saan lalakad ang mga may kapansanan? Mabubunggo pa ‘yan sila ng mga sasakyan na ang mga driver natin ay walang kadisi-disiplina.

Sa mga aircon bus nga na naglalagay na ng mga sign na ang mga unang upuan ay para sa mga may kapansa­nan, matatanda, buntis, o may kasamang mga bata, hindi rin sinusunod. Okupado palagi ng mga mas bata at malalakas pa.

Sa mga jeepney, walang pakialam ang driver. Hihinto siya sa gitna ng kalsada. Bahala na ang may kapansanan o matatanda makipag-patintero sa ibang sasakyan.

Sa MRT naman, palaging sira ang elevator at escalator. Nakita mo ang hagdanan sa Ayala overpass? Paa yata ng bata ang sinukatan ng ginawa nila ang overpass na ‘yun. Ang kikitid ng baytang. Paano naman makaka-akyat ang may kapansanan d’yan?

Matagal nang nakiki-usap ang mga PWDs sa pamahalaan para sa mas maayos na pasilidad para sa may mga kapansa­nan at matatanda. Walang nangyayari.

Sabi ni Abner Manlapaz na gumagamit ng wheelchair, sa isang interview sa VERA Files:

Mahirap lumakad dito sa Metro Manila. Ang dami-daming problema sa sidewalk natin. Kung hindi ka naman gagamit ng sidewalk, doon ka sa kalsada. Para kang kotse.”

Minsan siansabihan daw siya, siguro pabiro: “Nasaan plaka mo?”

Nahalata ni Manlapaz na ang iba ay naiinis sa kanila na parang istorbo sila sa kalsada. Ngunit sabi niya, “Wala lang kaming choice.”

Kaya sa kanilang gagawin na bagong , hindi lang orihinal ang kanilang hanapin. Dapat makatotohanan.

***

Blog: www.ellentordesillas.com
E-mail: ellentordesillas@gmail.com



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments