PRANGKAHAN: Akala nina Alvarez pabor kay Duterte ang pag-gutom sa CHR

0
21


Akala siguro ni House ­Speaker Pantaleon Alvarez at ang 119 na kongresista na bumoto na gugutumin ang Commission on Human Rights ay nabigyan nila ng leksyon si Chairman Chito Gascon at ang mga opisyal ng CHR.

Akala nila panalo sila.

Akala din nila ang kanilang ginawa ay malaking pabor kay Pangulong Duterte na galit na galit sa CHR dahil noon pa nang panahon ni Leila de Lima, inimbestigahah siya at ang Davao Death Squad.

Inis siya na nagpalabas ng pagkabahala ang CHR sa laganap na patayan at may mga tinutulungan sila na biktima ng dahas ng mga pulis at sundalo.

Noong isang linggo, pinagbubunyi ng House of Representatives ang pagpasa ng P3.8 trilyon (Trilyon yan ha. 12 na zero) na budget para sa taong 2018 at ang budget para sa CHR ay P1,000. Isang libo.

Ang naka-propose ay P678 milyon ngunit binaboy ni Alvarez at ng mga kaalyado niyang 119. Hinarang ng 32 na may konsyenyang kongresista, kasama na doon si Magdalo Rep. Gary Alejano, ngunit talagang parang bulldozer na tinulak nina Alvarez ang P1,000 lang para sa CHR.

Ang rason ni Alvarez ay hindi daw ini-imbestigahan ng CHR ang pumapatay sa pulis at mga sundalo. At batikos daw ng batikos si Gascon kay Duterte. Kailangan daw mag-resign si Gascon at baka ibalik daw nila ang budget sa P678 milyon.

Sa kanilang ginawa, pinakita ng karamihan ng Kongreso na hindi lang pala si Alvarez ang despalinghado ang pag-iisip. Pinakita rin nila kung gaano kalalim at kalawak ang pagka-­ignorante sa Kongreso.

Hindi trabaho ng CHR ang mag-imbestiga ng krimen na ginawa ng ordinaryong tao (yung hindi miyembro ng law enforcement na ahensya ng pamahalaan. Trabaho yan ng pulis, Natio­nal Bureau of Investigation at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ang trabaho ng CHR ay protektahan ang mamamayan sa mga abuso ng mga nasa pamahalaan. Ang CHR ay itinatag dahil sa mapait na karanasan ng Pilipinas noong Martial Law sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Paliwanag nga ni CHR Commissioner Leah Tanodra-Armamento : ‘“Kung ang kapitbahay mo ang pumatay, police matter ‘yan. Kapag umabuso na ang pulis or other security sectors, kanino ka tatakbo? Tatakbo sa human rights commission.”

Kung akala ni Alvarez at ng kanyang mga kampon na nakakabuti kay Duterte ang kanilang pagpahirap sa CHR, mukhang mali sila doon dahil may kaso na nakasampa laban kay Duterte sa International Criminal Court sa The Hague.

Magpapalakas itong ginawa ng Kongreso sa reklamo ng abogadong si Jude Sabio, Sen. Antonio Trillanes IV at Rep. Ale­jano na binabalewala ni Duterte ang karapatang pantao.

Gumawa ang VERA Files at Abante ng Fact Sheet tungkol sa CHR. Bisitahin nyo itong mga sites. Mabuti na yung alam natin ang ating karapatan at hindi tayo maloloko ng ating mga opisyal.

Sabi ni Duterte ipinagtatanggol / pinoprotektahan ng CHR ang mga kriminal

http://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-ang-commission-human-rights-ipinaliwan



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments